Santiago 2:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Babala Laban sa Pagtatangi ng Tao
2 Mga kapatid ko, dapat ay pantay-pantay ang tingin ninyo sa lahat ng tao habang pinanghahawakan ninyo ang pananampalataya sa ating maluwalhating Panginoong Jesu-Cristo. 2 Halimbawang pumasok sa inyong pagtitipon ang isang taong may gintong singsing at may magandang kasuotan, at dumating din ang isang dukha na gusgusin ang damit, 3 at binigyang-pansin ninyo ang nakadamit nang maganda at sinabi sa kanya, “Narito ang magandang upuan para sa iyo” at sa dukha ay inyo namang sinabi, “Tumayo ka riyan,” o kaya'y, “Diyan ka na lang maupo sa may paanan ko,”
Read full chapter
Santiago 2:1-3
Ang Biblia (1978)
2 Mga kapatid ko, (A)yayamang mayroon kayong pananampalataya ng ating Panginoong Jesucristo, na Panginoon (B)ng kaluwalhatian ay huwag magtatangi sa mga tao.
2 Sapagka't kung may pumapasok sa inyong sinagoga ang isang tao na may singsing na ginto, at may magandang kasuotan, at may pumapasok namang isang dukha na may damit na hamak;
3 At inyong itangi ang may suot na damit na maganda, at inyong sabihin, Maupo ka rito sa dakong mabuti; at sa dukha ay inyong sabihin, Tumayo ka riyan, o maupo ka sa ibaba ng aking tungtungan;
Read full chapter
James 2:1-3
Easy-to-Read Version
Love All People
2 My dear brothers and sisters, you are believers in our glorious Lord Jesus Christ. So don’t treat some people better than others. 2 Suppose someone comes into your meeting wearing very nice clothes and a gold ring. At the same time a poor person comes in wearing old, dirty clothes. 3 You show special attention to the person wearing nice clothes. You say, “Sit here in this good seat.” But you say to the poor person, “Stand there!” or “Sit on the floor by our feet!”
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 2006 by Bible League International
