Santiago 1:12-14
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Ang Pagsubok at ang Pagtukso
12 Pinagpala ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos niyang malampasan ang pagsubok, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoon[a] sa mga umiibig sa kanya. 13 Huwag(A) sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino. 14 Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling pagnanasa.
Read full chapterFootnotes
- 12 ng Panginoon: Sa ibang manuskrito'y ng Diyos .
Santiago 1:12-14
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Tukso at Pagsubok
12 Pinagpala ang taong nananatiling matatag sa gitna ng pagsubok; sapagkat kung siya'y magtagumpay, tatanggapin niya ang korona ng buhay na ipinangako ng Panginoon sa mga umiibig sa kanya. 13 Huwag sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag dumaranas siya ng pagsubok. Hindi maaaring matukso ng masama ang Diyos, at hindi rin naman siya nanunukso ninuman. 14 Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa sarili niyang pagnanasa.
Read full chapter
James 1:12-14
New International Version
12 Blessed is the one who perseveres under trial(A) because, having stood the test, that person will receive the crown of life(B) that the Lord has promised to those who love him.(C)
13 When tempted, no one should say, “God is tempting me.” For God cannot be tempted by evil, nor does he tempt anyone; 14 but each person is tempted when they are dragged away by their own(D) evil desire and enticed.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

