Add parallel Print Page Options

Dalangin para Iligtas ng Dios

44 O Dios, narinig namin mula sa aming mga ninuno
    ang tungkol sa mga ginawa nʼyo sa kanila noong kanilang kapanahunan.
Matagal nang panahon ang lumipas.
Ang mga bansang hindi naniniwala sa inyo
    ay pinalayas nʼyo sa kanilang mga lupain at pinarusahan,
    samantalang ang aming mga ninuno ay itinanim nʼyo roon at pinalago.
Nasakop nila ang lupain,
    hindi dahil sa kanilang mga armas.
    Nagtagumpay sila hindi dahil sa kanilang lakas,
    kundi sa pamamagitan ng inyong kapangyarihan, pagpapala at kakayahan,
    dahil mahal nʼyo sila.

O Dios, kayo ang aking Hari na nagbigay ng tagumpay sa amin na lahi ni Jacob.
Sa pamamagitan nʼyo pinatumbaʼt tinapak-tapakan namin ang aming mga kaaway.
Hindi ako nagtitiwala sa aking espada at pana upang akoʼy magtagumpay,
dahil kayo ang nagpapatagumpay sa amin.
    Hinihiya nʼyo ang mga kumakalaban sa amin.
O Dios, kayo ang lagi naming ipinagmamalaki,
    at pupurihin namin kayo magpakailanman.

Ngunit ngayoʼy itinakwil nʼyo na kami at inilagay sa kahihiyan.
    Ang mga sundalo namin ay hindi nʼyo na sinasamahan.
10 Pinaatras nʼyo kami sa aming mga kaaway,
    at ang aming mga ari-arian ay kanilang sinamsam.
11 Pinabayaan nʼyong kami ay lapain na parang mga tupa.
    Pinangalat nʼyo kami sa mga bansa.
12 Kami na inyong mga mamamayan ay ipinagbili nʼyo sa kaunting halaga.
    Parang wala kaming kwenta sa inyo.
13 Ginawa nʼyo kaming kahiya-hiya;
    iniinsulto at pinagtatawanan kami ng aming mga kalapit na bansa.
14 Ginawa nʼyo kaming katawa-tawa sa mga bansa,
    at pailing-iling pa sila habang nang-iinsulto.
15 Akoʼy palaging inilalagay sa kahihiyan.
    Wala na akong mukhang maihaharap pa,
16 dahil sa pangungutya at insulto sa akin ng aking mga kaaway na gumaganti sa akin.

17 Ang lahat ng ito ay nangyari sa amin
    kahit na kami ay hindi nakalimot sa inyo,
    o lumabag man sa inyong kasunduan.
18 Hindi kami tumalikod sa inyo,
    at hindi kami lumihis sa inyong pamamaraan.
19 Ngunit kami ay inilugmok nʼyo at pinabayaan sa dakong madilim na tinitirhan ng mga asong-gubat.[a]
20 O Dios, kung kayo ay nakalimutan namin,
    at sa ibang dios, kami ay nanalangin,
21 hindi baʼt iyon ay malalaman nʼyo rin?
    Dahil alam nʼyo kahit ang mga lihim sa isip ng tao.
22 Ngunit dahil sa aming pananampalataya sa inyo,
    kami ay palaging nasa panganib ang aming buhay.
    Para kaming mga tupang kakatayin.

23 Sige na po, Panginoon! Kumilos na kayo!
    Huwag nʼyo kaming itakwil magpakailanman.
24 Bakit nʼyo kami binabalewala?
    Bakit hindi nʼyo pinapansin ang aming pagdurusa at ang pang-aapi sa amin?
25 Nagsibagsak na kami sa lupa at hindi na makabangon.
26 Sige na po, tulungan nʼyo na kami.
    Iligtas nʼyo na kami dahil sa inyong pagmamahal sa amin.

Footnotes

  1. 44:19 asong-gubat: sa Ingles, “jackal.”

Sa Pangulong Manunugtog; Awit ng mga anak ni Core. Masquil.

44 Narinig namin ng aming mga pakinig, Oh Dios,
Isinaysay sa amin (A)ng aming mga magulang,
Kung anong gawa ang iyong ginawa sa kanilang mga kaarawan,
Ng mga kaarawan ng una.
(B)Iyong itinaboy ng iyong kamay ang mga bansa,
Nguni't itinatag mo sila;
Iyong dinalamhati ang mga bayan,
Nguni't iyong pinangalat sila.
(C)Sapagka't hindi nila tinamo ang lupain na pinakaari sa pamamagitan ng kanilang sariling tabak,
Ni iniligtas man sila ng kanilang sariling kamay:
Kundi ng iyong kanan, at ng iyong bisig, at ng (D)liwanag ng iyong mukha,
(E)Sapagka't iyong nilingap sila.
(F)Ikaw ang aking Hari, Oh Dios:
(G)Magutos ka ng kaligtasan sa Jacob.
Dahil sa iyo'y (H)itutulak namin ang aming mga kaaway:
Sa iyong pangalan ay (I)yayapakan namin sila na nagsisibangon laban sa amin.
Sapagka't (J)hindi ako titiwala sa aking busog.
Ni ililigtas man ako ng aking tabak.
Nguni't iniligtas mo kami sa aming mga kaaway,
At inilagay mo sila sa kahihiyan na nangagtatanim sa amin.
Sa Dios ay naghahambog kami buong araw,
At mangagpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailan man. (Selah)
Nguni't ngayo'y itinakuwil mo (K)kami, at inilagay mo kami sa kasiraang puri;
At hindi ka lumalabas na kasama ng aming mga hukbo.
10 Iyong pinatatalikod kami sa kaaway:
At silang nangagtatanim sa amin ay nagsisisamsam ng sa ganang kanilang sarili.
11 (L)Iyong ibinigay kaming gaya ng mga tupa na pinaka pagkain;
At (M)pinangalat mo kami sa mga bansa.
12 (N)Iyong ipinagbibili ang iyong bayan na walang bayad,
At hindi mo pinalago ang iyong kayamanan sa pamamagitan ng kanilang halaga.
13 (O)Ginawa mo kaming katuyaan sa aming mga kapuwa,
Isang kasabihan at kadustaan nila na nangasa palibot namin.
14 (P)Iyong ginawa kaming kawikaan sa gitna ng mga bansa,
(Q)At kaugaan ng ulo sa gitna ng mga bayan.
15 Buong araw ay nasa harap ko ang aking kasiraang puri,
At ang kahihiyan ng aking mukha ay tumakip sa akin,
16 Dahil sa tinig niya na dumuduwahagi at tumutungayaw;
(R)Dahil sa kaaway at sa manghihiganti.
17 Lahat ng ito'y dumating sa amin; gayon ma'y hindi namin kinalimutan ka,
Ni (S)gumawa man kami na may karayaan sa iyong tipan.
18 Ang aming puso ay hindi tumalikod,
(T)Ni ang amin mang mga hakbang ay humiwalay sa iyong daan;
19 Na kami ay iyong lubhang nilansag (U)sa dako ng mga chakal,
At tinakpan mo kami (V)ng lilim ng kamatayan.
20 Kung aming nilimot ang pangalan ng aming Dios,
(W)O aming iniunat ang aming mga kamay sa ibang dios;
21 (X)Hindi ba sisiyasatin ito ng Dios?
Sapagka't nalalaman niya ang mga lihim ng puso.
22 (Y)Oo, dahil sa iyo ay pinapatay kami buong araw;
Kami ay nabilang na parang mga tupa sa patayan.
23 (Z)Ikaw ay gumising, bakit ka natutulog, Oh Panginoon?
Ikaw ay bumangon, huwag mo kaming itakuwil magpakailan man.
24 (AA)Bakit mo ikinukubli ang iyong mukha,
At kinalilimutan mo ang aming kadalamhatian at aming kapighatian?
25 Sapagka't ang aming kaluluwa ay nakasubsob sa alabok:
Ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.
26 Ikaw ay bumangon upang kami ay tulungan,
At tubusin mo kami dahil sa iyong kagandahang-loob.