Salmo 128
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Gantimpala ng Pagsunod sa Panginoon
128 Mapalad kayong may takot sa Panginoon, na namumuhay ayon sa kanyang pamamaraan.
2     Ang inyong pinaghirapan ay magiging sapat sa inyong pangangailangan,
    at kayoʼy magiging maunlad at maligaya.
3 Ang inyong asawa ay magiging katulad ng ubasan sa inyong tahanan, na sagana sa bunga,
    at ang inyong mga anak na nakapaligid sa inyong hapag-kainan ay parang mga bagong tanim na olibo.
4 Ganito pagpapalain ang sinumang may takot sa Panginoon.
5 Pagpalain sana kayo ng Panginoon mula sa kanyang templo.
    Makita sana ninyong umuunlad ang Jerusalem habang kayoʼy nabubuhay.
6 Makita sana ninyo ang inyong mga apo.
Mapasaiyo nawa Israel ang kapayapaan!
Mga Awit 128
Ang Biblia, 2001
Awit ng Pag-akyat.
128 Ang bawat may takot sa Panginoon ay mapalad,
    na sa kanyang mga daan ay lumalakad.
2 Kakainin mo ang bunga ng paggawa ng iyong mga kamay;
    ikaw ay magiging masaya at ito'y magiging mabuti sa iyo.
3 Ang asawa mo'y magiging gaya ng mabungang puno ng ubas
    sa loob ng iyong tahanan;
ang mga anak mo'y magiging gaya ng mga puno ng olibo
    sa palibot ng iyong hapag-kainan.
4 Narito, ang taong may takot sa Panginoon,
    ay pagpapalain ng ganito.
5 Pagpalain ka ng Panginoon mula sa Zion!
    Ang kaunlaran ng Jerusalem ay iyo nawang masaksihan
    sa lahat ng mga araw ng iyong buhay!
6 Ang mga anak ng iyong mga anak ay iyo nawang mamasdan,
    mapasa Israel nawa ang kapayapaan!
Psalm 128
New International Version
Psalm 128
A song of ascents.
1 Blessed are all who fear the Lord,(A)
    who walk in obedience to him.(B)
2 You will eat the fruit of your labor;(C)
    blessings and prosperity(D) will be yours.
3 Your wife will be like a fruitful vine(E)
    within your house;
your children(F) will be like olive shoots(G)
    around your table.
4 Yes, this will be the blessing(H)
    for the man who fears the Lord.(I)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

