Ruth 3:1-2
Magandang Balita Biblia
Naging Mabuti kay Ruth si Boaz
3 Isang araw ay kinausap ni Naomi si Ruth. Sabi niya, “Anak, kailangang ihanap kita ng magiging asawa upang magkaroon ka ng sariling tahanan. 2 Natatandaan mong sinabi ko sa iyo noon na kamag-anak natin si Boaz. Mga manggagawa niya ang mga kasama mo sa bukid. Ngayon, makinig kang mabuti. Magpapagiik siya ng sebada mamayang gabi.
Read full chapter
Ruth 3:1-2
Ang Biblia (1978)
Si Ruth ay nagsabi kay Booz na gawin ang bahagi ng pagkakamaganak.
3 At sinabi sa kaniya ni Noemi na kaniyang biyanan, Anak ko, hindi ba kita ihahanap ng (A)kapahingahan, na ikabubuti mo?
2 At ngayo'y wala ba rito si Booz na ating (B)kamaganak, na ang kaniyang mga alila ay siya mong kinasama? Narito, kaniyang pahahanginan ang sebada ngayong gabi sa giikan.
Read full chapterMagandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
