Font Size
Roma 8:24-26
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 8:24-26
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
24 Iniligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi na matatawag na pag-asa kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sinong tao ang aasa pa sa bagay na nakikita na? 25 Subalit kung umaasa tayo sa hindi pa natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong pagtitiyaga.
26 Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, ngunit ang Espiritu mismo ang dumaraing[a] sa paraang hindi kayang bigkasin sa salita.
Read full chapterFootnotes
- Roma 8:26 Sa ibang manuskrito mayroong para sa atin.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.