Roma 8:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Sapagkat pinalaya na tayo[a] ng Kautusan ng Espiritu na nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. 3 Ang hindi magawa ng Kautusan, na pinahihina ng laman, ay ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng pagsusugo sa kanyang sariling Anak sa anyo ng makasalanang pagkatao upang hatulan niya ang kasalanan. Sa gayon, sa kanya iginawad ang hatol sa kasalanan. 4 Ginawa ito ng Diyos upang ang makatarungang itinatakda ng Kautusan ay matupad sa atin, na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa laman.
Read full chapterFootnotes
- Roma 8:2 Sa ibang manuskrito ako at sa iba'y ikaw.
Roma 8:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Sapagkat ang kautusan ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay nagpalaya sa atin[a] mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
3 Sapagkat ang hindi magawa ng kautusan, yamang ito ay pinahina ng laman, ay ginawa ng Diyos sa pagsusugo sa kanyang sariling Anak sa anyo ng makasalanang laman, at tungkol sa kasalanan ay hinatulan niya ang kasalanan sa laman,
4 upang ang makatuwirang itinatakda ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi lumalakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.
Read full chapterFootnotes
- Roma 8:2 Sa ibang mga kasulatan ay sa akin at ang iba'y sa iyo .
Roma 8:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Sapagka't ang kautusan (A)ng Espiritu ng buhay na na kay Cristo Jesus ay pinalaya (B)ako sa (C)kautusan ng kasalanan at ng kamatayan.
3 Sapagka't (D)ang hindi magawa ng kautusan, na mahina sa pamamagitan ng laman, sa pagsusugo ng (E)Dios sa kaniyang sariling Anak na naganyong lamang salarin (F)at dahil sa kasalanan, ay hinatulan ng Dios sa laman ang kasalanan:
4 Upang ang kahilingan ng kautusan ay matupad sa atin, na hindi nangagsisilakad ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
