Roma 6:5-7
Magandang Balita Biblia
5 Sapagkat kung nakasama tayo ni Cristo sa isang kamatayang katulad ng kanyang kamatayan, tiyak na tayo ay makakasama rin niya sa muling pagkabuhay na katulad ng kanyang muling pagkabuhay. 6 Alam natin na ang dati nating pagkatao ay naipako na sa krus kasama niya, upang mamatay ang ating makasalanang pagkatao at nang hindi na tayo maalipin pa ng kasalanan. 7 Sapagkat ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan.
Read full chapter
Roma 6:5-7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
5 Sapagkat kung nakiisa tayo kay Cristo sa kamatayan tulad ng sa kanya, tiyak na tayo ay makakasama niya sa muling pagkabuhay na tulad ng sa kanya. 6 Dapat nating malaman ito: na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama niya sa krus, upang ang makasalanang pagkatao ay mamatay, at nang hindi na tayo pagharian pa ng kasalanan. 7 Sapagkat ang sinumang namatay ay pinalaya na mula sa kasalanan.
Read full chapter
Roma 6:5-7
Ang Biblia (1978)
5 Sapagka't (A)kung tayo nga ay naging kalakip niya dahil sa kawangisan ng kaniyang kamatayan, ay magkakagayon din naman tayo dahil sa kawangisan ng kaniyang pagkabuhay na maguli;
6 Na nalalaman natin, na ang (B)ating datihang pagkatao ay kalakip niyang napako sa krus, upang (C)ang katawang salarin ay magiba, at nang sa gayo'y huwag na tayong maalipin pa ng kasalanan;
7 Sapagka't (D)ang namatay ay ligtas na sa kasalanan.
Read full chapter
Romans 6:5-7
New International Version
5 For if we have been united with him in a death like his, we will certainly also be united with him in a resurrection like his.(A) 6 For we know that our old self(B) was crucified with him(C) so that the body ruled by sin(D) might be done away with,[a] that we should no longer be slaves to sin(E)— 7 because anyone who has died has been set free from sin.(F)
Footnotes
- Romans 6:6 Or be rendered powerless
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

