Roma 3
Ang Biblia (1978)
3 Ano nga ang kahigitan ng Judio? o ano ang mapapakinabang sa pagtutuli?
2 Marami sa anomang paraan: ang una sa lahat, ay (A)ipinagkatiwala sa kanila (B)ang mga aral ng Dios.
3 Ano nga (C)kung ang ilan ay hindi nangagsisampalataya? ang di pananampalataya nila ay nagpapawalang halaga baga sa (D)pagtatapat ng Dios?
4 Huwag nawang mangyari: oo, bagkus pa nga ang (E)Dios ay tapat, datapuwa't ang (F)bawa't tao'y sinungaling; gaya ng nasusulat,
(G)Upang ikaw ay ariing ganap sa iyong mga salita,
At makapagtagumpay ka kung ikaw ay mahatulan.
5 Datapuwa't kung ang ating kalikuan (H)ay nagbibigay dilag sa katuwiran ng Dios, ano ang ating sasabihin? Liko baga ang Dios na dumadalaw na may poot? ((I)nagsasalita akong ayon sa pagkatao.)
6 Huwag nawang mangyari: sapagka't kung gayo'y paanong paghatol ng Dios sa sanglibutan?
7 Datapuwa't kung (J)ang katotohanan ng Dios sa pamamagitan ng aking kasinungalingan ay sumagana sa ikaluluwalhati niya, bakit pa naman ako'y hinahatulang tulad sa isang makasalanan?
8 At bakit hindi (gaya ng pagkalibak sa atin, at gaya ng pinatotohanan ng ilan na ating sinasabi), (K)Magsigawa tayo ng masama upang dumating ang mabuti? ang kaparusahan sa mga gayon ay matuwid.
9 Ano nga? tayo baga'y lalong mabuti kay sa kanila? Hindi, sa anomang paraan: sapagka't ating kapuwa isinasakdal na muna ang mga Judio at ang mga Griego, (L)na silang lahat ay nangasa ilalim ng kasalanan;
10 Gaya ng nasusulat,
(M)Walang matuwid, wala, wala kahit isa;
11 Walang nakatatalastas,
Walang humahanap sa Dios;
12 Silang lahat ay nagsilihis, magkakasamang nawalan ng kasaysayan;
Walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa:
13 Ang kanilang lalamunan (N)ay isang libingang bukas;
Nagsigamit ng daya sa pamamagitan ng kanilang mga dila:
(O)Ang kamandag ng mga ulupong ang siyang nasa ilalim ng kanilang mga labi:
14 Ang kanilang bibig (P)ay puno ng panunumpa at ng kapaitan:
15 Ang kanilang mga paa (Q)ay matulin sa pagbububo ng dugo;
16 Kagibaan at kahirapan ang nasa kanilang mga daan;
17 At ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala;
18 Walang pagkatakot sa Dios (R)sa harap ng kanilang mga mata.
19 Ngayon ay nalalaman natin na ang anomang sinasabi ng kautusan, yaon ay sinasabi sa nangasa ilalim ng kautusan; (S)upang matikom ang bawa't bibig, at (T)ang buong sanglibutan ay mapasa ilalim ng hatol ng Dios:
20 Sapagka't sa pamamagitan ng mga gawa (U)ng kautusan ay walang laman na aariing-ganap sa paningin niya; sapagka't (V)sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan.
21 Datapuwa't ngayon (W)bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta;
22 Sa makatuwid baga'y ang katuwiran ng Dios (X)sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka't (Y)walang pagkakaiba;
23 Sapagka't ang lahat ay nangagkasala nga, at hindi nangakaabot sa kaluwalhatian ng Dios;
24 Palibhasa'y inaring-ganap na walang bayad (Z)ng kaniyang biyaya (AA)sa pamamagitan ng pagtubos na nasa kay Cristo Jesus:
25 Na siyang inilagay ng Dios (AB)na maging pangpalubagloob, sa pamamagitan ng pananampalataya, sa (AC)kaniyang dugo, upang maipakilala ang kaniyang katuwiran dahil sa hindi pagpansin sa mga (AD)kasalanan na nagawa nang nagdaang panahon sa pagpapahinuhod ng Dios;
26 Sa pagpapakilala'y aking sinasabi, ng kaniyang katuwiran sa panahong kasalukuyan, upang siya'y maging ganap at tagaaring-ganap sa may pananampalataya kay Cristo.
27 (AE)Kaya nga saan naroon ang pagmamapuri? Ito'y inihiwalay na. Sa pamamagitan ng anong kautusan? ng mga gawa? Hindi: kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya.
28 Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap sa pananampalataya (AF)na hiwalay sa mga gawa ng kautusan.
29 O ang Dios baga ay Dios ng mga Judio lamang? hindi baga siya ang Dios din ng mga Gentil? Oo, ng mga Gentil din naman:
30 Kung gayon (AG)nga na iisa ang Dios, at kaniyang aariing-ganap ang pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ang di pagtutuli sa pamamagitan ng pananampalataya.
31 Niwawalan kaya nating kabuluhan ang kautusan sa pamamagitan ng pananampalataya? Huwag nawang mangyari: kundi (AH)pinagtitibay pa nga natin ang kautusan.
罗马书 3
Chinese Contemporary Bible (Simplified)
3 那么,犹太人有什么长处呢?割礼有什么价值呢? 2 其实益处非常多!首先,上帝的圣言托付给了犹太人。 3 虽然有些人不相信,但那有什么关系呢?难道上帝的信实可靠会因他们的不信而化为无有吗? 4 当然不会!纵然人人都撒谎,上帝仍然真实可靠。正如圣经上说:
“你的判语证明你是公义的;
你虽被人控告,却终必得胜。”
5 我姑且用人的观点说:“如果我们的不义可以反衬出上帝的公义,我们该做何论?上帝向我们发怒是祂不公正吗?” 6 当然不是!若是这样,上帝怎么能审判这世界呢? 7 你们又说:“如果我们的虚谎凸显出上帝的真实,增加祂的荣耀,为什么祂还要把我们当作罪人审判呢?” 8 为什么你们不干脆说:“我们作恶吧,好成就善事”?有人毁谤我们,说我们传这种道理。这些人受审判是罪有应得!
没有义人
9 那么,我们犹太人比别人优越吗?绝对不是!我们已经说过,无论是犹太人还是希腊人,所有的人都身陷罪中。 10 正如圣经上说:
“没有义人,一个也没有,
11 没有人明白,没有人寻求上帝。
12 人人偏离正路,变得毫无价值。
没有人行善,一个也没有。
13 他们的喉咙是敞开的坟墓,
舌头上尽是诡诈,
嘴唇有蛇的毒液,
14 满口咒诅,言语恶毒;
15 杀人流血,脚步飞快;
16 所到之处,大肆毁灭;
17 平安之路,他们未曾知道;
18 他们眼中毫无对上帝的畏惧。”
19 我们知道律法所讲的都是针对律法之下的人,好叫所有的人都无话可说,使全世界都伏在上帝的审判之下。 20 因为无人能够靠遵行律法而被上帝视为义人,律法的本意是要使人知罪。
因信称义
21 但如今,上帝的义在律法以外显明出来,有律法和众先知做见证。 22 人只要信耶稣基督,就可以被上帝称为义人,没有一个人例外。 23 因为世人都犯了罪,亏欠上帝的荣耀, 24 但蒙上帝的恩典,靠着基督耶稣的救赎,世人被无条件地称为义人。 25 上帝使基督耶稣成为赎罪祭,以便人借着相信耶稣的宝血可以得到赦免。这是为了显明上帝的义,因为祂用忍耐的心宽容人过去的罪, 26 好在现今显明祂的义,使人知道祂是公义的,祂也称信耶稣的为义人。
27 既然如此,我们哪里能夸口呢?当然没有可夸的。靠什么方法让人不能夸口呢?靠遵行律法吗?不是!是靠信主的方法。 28 因为我们坚信人被称为义人是借着信,不是靠遵行律法。 29 难道上帝只是犹太人的上帝吗?祂不也是外族人的上帝吗?祂当然也是外族人的上帝。 30 因为上帝只有一位,祂本着信称受割礼的人为义人,也本着信称未受割礼的人为义人。 31 这么说来,我们是借着信心废掉上帝的律法吗?当然不是!我们反倒是巩固律法。
Roma 3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
3 Kung ganoon, ano ang kalamangan ng pagiging Judio? Ano ang pakinabang sa pagiging tuli? 2 Napakarami! Una sa lahat, sa mga Judio ipinagkatiwala ang mga aral ng Diyos. 3 Ano nga kung hindi naging tapat ang ilan sa kanila? Ang ibig bang sabihin noo'y hindi na rin tapat ang Diyos? 4 Huwag nawang mangyari! (A) Mananatiling tapat ang Diyos, maging sinungaling man ang lahat ng tao. Gaya ng nasusulat:
“Sa Iyong mga salita'y kikilalanin kang matuwid,
kapag hinatulan ka, ika'y mananaig.”
5 Subalit kung ang ating kasamaan ay nagpapatibay sa katuwiran ng Diyos, masasabi ba nating ang Diyos ay di-makatarungan dahil sa pagbubuhos niya ng poot? Nangangatwiran ako ayon sa pananaw ng tao. 6 Huwag nawang mangyari! Kung hindi makatarungan ang Diyos, paano niya hahatulan ang sanlibutan? 7 Subalit maaaring may magsabi, “Kung dahil sa aking pagsisinungaling ay sumagana ang katotohanan ng Diyos at higit pa siyang niluluwalhati, bakit hinahatulan pa rin ako bilang isang makasalanan?” 8 Bakit hindi na lang natin sabihin, “Gumawa tayo ng masama upang magbunga ng mabuti?” Iyan daw ang sinasabi natin, ayon sa paninirang-puri sa atin ng iba. Nararapat lang ang parusa sa kanila.
Walang Matuwid
9 Ano ngayon ang ibig nitong sabihin? Tayo bang mga Judio ay nakahihigit sa iba? Hindi! Sapagkat isinakdal na namin ang lahat ng tao, Judio man o Griyego, na sila ay pawang nasa ilalim ng kapangyarihan ng kasalanan. 10 Gaya (B) ng nasusulat,
“Walang matuwid, wala, kahit isa.
11 Wala ni isang nakauunawa,
walang humahanap sa Diyos.
12 Lahat sila ay lumihis ng daan, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan;
walang gumagawa ng mabuti,
wala, kahit isa.”
13 “Tulad (C) ng libingang bukás ang kanilang lalamunan;
sa pandaraya ang kanilang mga dila ay nag-uumapaw.”
“Kamandag ng mga ulupong ang nasa ilalim ng kanilang labi.”
14 “Pagmumura at pait ang namumutawi (D) sa kanilang bibig.”
15 (E) “Sa pagpapadanak ng dugo mga paa nila'y matutulin,
16 pagkawasak at kalungkutan ang nababakas sa kanilang landasin,
17 hindi nila nalalaman ang daan ng kapayapaan.”
18 (F) “Ang takot sa Diyos, sa mga mata nila'y hindi masilayan.”
19 Nalalaman natin na anumang sinasabi ng Kautusan ay sinasabi sa mga nasa ilalim nito, upang walang maidahilan ang sinuman, at upang ang buong sanlibutan ay pananagutin sa harapan ng Diyos. 20 Sapagkat (G) walang sinumang[a] ituturing na matuwid sa harapan ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawang batay sa Kautusan, sapagkat sa pamamagitan ng Kautusan ay nagkaroon ng kamalayan sa kasalanan.
Ang Pagiging Matuwid
21 Subalit ngayon ay nahayag na ang pagiging matuwid mula sa Diyos, at ito ay walang kinalaman sa Kautusan. Pinatunayan ito mismo ng Kautusan at ng Mga Propeta. 22 Ang (H) pagiging matuwid mula sa Diyos ay sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo. Ito ay para sa lahat ng mga sumasampalataya yamang sa lahat ay walang pagkakaiba. 23 Sapagkat ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaaabot sa kaluwalhatian ng Diyos. 24 Subalit dahil sa kagandahang-loob ng Diyos, sila ngayon ay itinuturing na matuwid sa pamamagitan ng pagpapalaya na ginawa ni Cristo Jesus. 25 Siya ang inialay ng Diyos bilang handog na makapapayapa sa kanyang galit dahil sa kasalanan ng sanlibutan, upang sa pamamagitan ng pananampalataya sa bisa ng kanyang dugo ay mapatawad ang kasalanan ng lahat ng sasampalataya sa kanya. Ginawa niya ito upang ipakita ang kanyang katarungan. Dahil sa kanyang banal na pagtitiis, pinalampas niya ang mga kasalanang ginawa noon ng tao. 26 Ginawa niya ito upang patunayan sa kasalukuyang panahon ang kanyang katarungan, na siya'y matuwid at siya ang nagtuturing na matuwid sa may pananampalataya kay Jesus.[b]
27 May lugar ba ngayon ang pagmamalaki? Wala! Sa anong batayan? Sa pagsunod ba sa Kautusan? Hindi, kundi sa pamamagitan ng kautusan ng pananampalataya. 28 Sapagkat pinanghahawakan natin na ang tao ay itinuturing na matuwid dahil sa pananampalataya at walang kinalaman dito ang mga gawang batay sa Kautusan. 29 Ang Diyos ba'y Diyos lamang ng mga Judio? Hindi ba't Diyos din siya ng mga Hentil? Oo, siya'y Diyos din ng mga Hentil, 30 sapagkat (I) iisa lamang ang Diyos. Siya ang magtuturing na matuwid sa mga tuli sa pamamagitan ng pananampalataya, at ituturing din niya na matuwid ang mga hindi tuli sa pamamagitan din ng pananampalataya. 31 Kung gayon, pinawawalang-saysay ba namin ang Kautusan dahil sa pananampalataya? Huwag nawang mangyari! Sa halip ay itinataguyod pa nga namin ang Kautusan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Chinese Contemporary Bible Copyright © 1979, 2005, 2007, 2011 by Biblica® Used by permission. All rights reserved worldwide.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.