Add parallel Print Page Options

Mga Pangangamusta

16 Ngayon, nais kong ipakilala sa inyo ang kapatid nating si Febe. Naglilingkod siya sa iglesya sa Cencrea. Tanggapin ninyo siya bilang kapatid sa Panginoon gaya ng nararapat gawin ng mga pinabanal[a] ng Dios. Tulungan ninyo siya sa anumang kakailanganin niya dahil marami siyang natulungan at isa na ako roon.

Ikumusta ninyo ako kina Priscila at Aquila. Silaʼy kapwa ko manggagawa kay Cristo Jesus. Itinaya nila ang kanilang buhay alang-alang sa akin. Malaki ang utang na loob ko sa kanila, at hindi lang ako kundi pati na rin ang lahat ng iglesyang hindi Judio. Ikumusta rin ninyo ako sa mga mananampalatayang[b] nagtitipon sa kanilang tahanan.

Ipaabot din ninyo ang pangangamusta ko sa minamahal kong kaibigan na si Epenetus. Siya ang unang sumampalataya kay Cristo Jesus sa probinsya ng Asia. Ikumusta nʼyo rin ako kay Maria, na nagsikap nang husto para sa inyo. Kumusta rin kina Andronicus at Junias, mga kapwa kong Judio at nakasama ko sa bilangguan. Nauna silang naging Cristiano kaysa sa akin, at kilalang-kilala sila ng mga apostol.

Ikumusta nʼyo rin ako sa minamahal kong kaibigan sa Panginoon na si Ampliatus. Kumusta rin kay Urbanus na kapwa ko manggagawa kay Cristo, at ganoon din sa minamahal kong kaibigan na si Stakis. 10 Kumusta rin kay Apeles na isang subok at tapat na lingkod ni Cristo. Kumusta rin sa pamilya ni Aristobulus, 11 sa kapwa ko Judio na si Herodion, at sa mga kapatid sa Panginoon sa pamilya ni Narcisus.

12 Ikumusta nʼyo rin ako kina Trifena at Trifosa, na masisipag na manggagawa ng Panginoon. Kumusta rin sa minamahal kong kaibigan na si Persis. Malaki ang naitulong niya sa gawain ng Panginoon. 13 Kumusta rin kay Rufus, na isang mahusay na lingkod ng Panginoon. Kumusta rin sa kanyang ina, na para ko na ring ina.

14 Ikumusta rin ninyo ako kina Asyncritus, Flegon, Hermes, Patrobas, Hermas at sa mga kapatid na kasama nila. 15 Kumusta rin kina Filologus, Julia, Nereus at sa kapatid niyang babae na si Olimpas, at sa lahat ng pinabanal ng Dios na kasama nila.

16 Magbatian kayo bilang mga magkakapatid kay Cristo.[c] Kinukumusta kayo ng lahat ng iglesya ni Cristo rito.

17 Mga kapatid, mag-ingat kayo sa mga taong lumilikha ng pagkakahati-hati at gumugulo sa pananampalataya ninyo. Nangangaral sila laban sa mga aral na natanggap ninyo sa amin. Kaya iwasan ninyo sila. 18 Ang mga taong ganyan ay hindi naglilingkod sa Panginoong Jesu-Cristo, kundi sa sarili nilang hangarin[d] sila sumusunod. Dinadaya nila ang mga kulang sa kaalaman sa pamamagitan ng mahuhusay at magaganda nilang pananalita. 19 Balitang-balita sa lahat ang inyong katapatan sa pagsunod sa Panginoon, at nagagalak ako dahil diyan. Pero gusto kong maging matalino kayo sa mga bagay na mabuti, at walang alam sa paggawa ng kasamaan. 20 Ang Dios ang nagbibigay ng kapayapaan, at malapit na niyang puksain ang kapangyarihan ni Satanas sa pamamagitan ninyo. Pagpalain kayo ng Panginoong Jesus.

21 Kinukumusta kayo ni Timoteo na kapwa ko manggagawa sa Panginoon, at nina Lucius, Jason at Sosipater na mga kapwa ko Judio.

22 (Kinukumusta ko rin kayo. Ako si Tertius na nasa Panginoon din na siyang sumulat ng liham na ito ni Pablo.)

23 Kinukumusta rin kayo ni Gaius. Akong si Pablo ay nakikituloy dito sa bahay niya, at dito rin nagtitipon ang mga mananampalataya[e] sa lugar na ito. Kinukumusta rin kayo ni Erastus na tresurero ng lungsod at ng ating kapatid na si Quartus. [24 Pagpalain kayong lahat ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Amen.]

Papuri sa Dios

25 Purihin natin ang Dios na siyang makakapagpatibay sa pananampalataya ninyo ayon sa Magandang Balita na ipinangaral ko sa inyo. Ang Magandang Balita tungkol kay Jesu-Cristo ay inilihim nang matagal na panahon, 26 pero ipinahayag na ngayon sa pamamagitan ng mga isinulat ng mga propeta. Itoʼy ayon sa utos ng walang kamatayang Dios, para ang lahat ng tao ay sumampalataya at sumunod sa kanya.

27 Purihin natin ang Dios na tanging nakakaalam ng lahat. Purihin natin siya magpakailanman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! Amen.

Footnotes

  1. 16:2 pinabanal: Tingnan ang “footnote” sa 15:25.
  2. 16:5 mga mananampalataya: sa literal, iglesya.
  3. 16:16 bilang mga magkakapatid kay Cristo: sa literal, sa pamamagitan ng banal na halik.
  4. 16:18 sarili nilang hangarin: sa literal, ang kanilang tiyan.
  5. 16:23 mga mananampalataya: sa literal, iglesya.

Mga Pagbati

16 Itinatagubilin ko sa inyo ang kapatid nating si Phoebe, na isang lingkod ng iglesya sa Cencrea. Tanggapin ninyo siya sa Panginoon, tulad ng pagtanggap na nararapat sa mga kapatid.[a] Tulungan ninyo siya sa mga kakailanganin niya sa inyo, sapagkat marami siyang natulungan at isa na ako roon.

Batiin (A) ninyo sina Prisca at Aquila na mga kamanggagawa ko kay Cristo Jesus. Inilagay nila ang kanilang buhay sa panganib dahil sa akin. Hindi lamang ako ang nagpapasalamat sa kanila kundi pati lahat ng mga iglesya ng mga Hentil. Batiin din ninyo ang iglesyang nagtitipon sa bahay nila. Batiin din ninyo ang mahal kong si Epeneto, ang unang sumampalataya kay Cristo sa Asia. Batiin ninyo si Maria, na malaki ang hirap para sa inyo. Batiin ninyo sina Andronico at Junias, mga kamag-anak ko at mga nakasama ko sa bilangguan. Kilala silang kasama ng mga apostol at naunang naging Cristiano kaysa akin. Batiin ninyo si Ampliato na aking minamahal sa Panginoon. Batiin ninyo si Urbano na aming kamanggagawa kay Cristo, gayundin si Estaquis na aking minamahal. 10 Batiin ninyo si Apeles na subok ang katapatan kay Cristo. Batiin ninyo ang sambahayan ni Aristobulo. 11 Batiin ninyo ang kamag-anak kong si Herodion. Batiin ninyo ang mga nasa Panginoon sa sambahayan ni Narciso. 12 Batiin ninyo sina Trifena at Trifosa, masisikap na naglilingkod sa Panginoon. Batiin ninyo ang mahal kong si Persida, na marami nang pagsisikap para sa Panginoon. 13 Batiin ninyo (B) si Rufo, ang hinirang ng Panginoon, at ang kanyang ina, na para ko na ring ina. 14 Batiin ninyo sina Asincrito, Flegonte, Hermes, Patrobas, Hermas, at ang mga kapatid na kasama nila. 15 Batiin ninyo sina Filologo, Julia, at Nereo at ang kanyang kapatid na babae, gayundin si Olimpas, at sa lahat ng mga banal na kasama nila. 16 Magbatian kayo ng banal na halik. Bumabati sa inyo ang lahat ng mga iglesya ni Cristo.

Mga Dagdag na Tagubilin

17 Ipinakikiusap ko sa inyo, mga kapatid, mag-ingat kayo sa mga pinagmumulan ng pagkakampi-kampi at sa mga sanhi ng pagkatisod, na salungat sa aral na inyong natutuhan. Layuan ninyo sila. 18 Sapagkat ang mga katulad nila ay hindi kay Cristong ating Panginoon na pinaglilingkuran kundi sa sarili nilang tiyan. Dinadaya nila ang mga puso ng mga walang muwang sa pamamagitan ng kanilang pananalita na maganda sa pandinig at may mapagkunwaring papuri. 19 Labis akong nagagalak sapagkat napabalita sa lahat ng tao ang inyong pagsunod. Gayunman, nais kong maging matalino kayo tungkol sa mga bagay na mabuti, at maging walang muwang sa masama. 20 At ang Diyos ng kapayapaan ay malapit nang dumurog kay Satanas sa ilalim ng inyong mga paa.

Pagpalain kayo ng ating Panginoong Jesus.[b]

21 Binabati (C) kayo ni Timoteo na aking kamanggagawa, gayundin ng mga kamag-anak kong sina Lucio, Jason at Sosipatro. 22 Akong si Tercio, na tagasulat ng liham na ito, ay bumabati rin sa inyo sa pangalan ng Panginoon. 23 Binabati (D) kayo ni Gaio na tinutuluyan ko, at ng buong iglesya. Binabati kayo ni Erasto na ingat-yaman ng lungsod, at ng kapatid na si Cuarto. 24 [Sumainyong lahat ang biyaya ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Amen.][c]

25 At ngayon, sa Diyos na makapagpapalakas sa inyo sa pamamagitan ng ebanghelyong aking ipinangangaral, at ng mensaheng hatid ni Jesu-Cristo ayon sa pagkahayag sa hiwagang ikinubli sa loob ng napakahabang panahon, 26 ngunit sa utos ng walang hanggang Diyos ay nahayag na ngayon at ipinakilala sa lahat ng mga bansa upang sila'y sumunod sa pananampalataya, sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta— 27 sa Diyos na tanging marunong, sumakanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman sa pamamagitan ni Jesu-Cristo! Amen.

Footnotes

  1. Roma 16:2 Sa Griyego, mga banal.
  2. Roma 16:20 Sa ibang matatandang manuskrito ay wala ang pangungusap na ito.
  3. Roma 16:24 Sa ibang manuskrito wala ang mga talatang ito.

Sister Phoebe Commended

16 I commend to you Phoebe our sister, who is a servant of the church in (A)Cenchrea, (B)that you may receive her in the Lord (C)in a manner worthy of the saints, and assist her in whatever business she has need of you; for indeed she has been a helper of many and of myself also.

Greeting Roman Saints

Greet (D)Priscilla and Aquila, my fellow workers in Christ Jesus, who risked their own necks for my life, to whom not only I give thanks, but also all the churches of the Gentiles. Likewise greet (E)the church that is in their house.

Greet my beloved Epaenetus, who is (F)the firstfruits of [a]Achaia to Christ. Greet Mary, who labored much for us. Greet Andronicus and Junia, my countrymen and my fellow prisoners, who are of note among the (G)apostles, who also (H)were in Christ before me.

Greet Amplias, my beloved in the Lord. Greet Urbanus, our fellow worker in Christ, and Stachys, my beloved. 10 Greet Apelles, approved in Christ. Greet those who are of the household of Aristobulus. 11 Greet Herodion, my [b]countryman. Greet those who are of the household of Narcissus who are in the Lord.

12 Greet Tryphena and Tryphosa, who have labored in the Lord. Greet the beloved Persis, who labored much in the Lord. 13 Greet Rufus, (I)chosen in the Lord, and his mother and mine. 14 Greet Asyncritus, Phlegon, Hermas, Patrobas, Hermes, and the brethren who are with them. 15 Greet Philologus and Julia, Nereus and his sister, and Olympas, and all the saints who are with them.

16 (J)Greet one another with a holy kiss. [c]The churches of Christ greet you.

Avoid Divisive Persons

17 Now I urge you, brethren, note those (K)who cause divisions and offenses, contrary to the doctrine which you learned, and (L)avoid them. 18 For those who are such do not serve our Lord [d]Jesus Christ, but (M)their own belly, and (N)by smooth words and flattering speech deceive the hearts of the simple. 19 For (O)your obedience has become known to all. Therefore I am glad on your behalf; but I want you to be (P)wise in what is good, and [e]simple concerning evil. 20 And (Q)the God of peace (R)will crush Satan under your feet shortly.

(S)The grace of our Lord Jesus Christ be with you. Amen.

Greetings from Paul’s Friends

21 (T)Timothy, my fellow worker, and (U)Lucius, (V)Jason, and (W)Sosipater, my countrymen, greet you.

22 I, Tertius, who wrote this epistle, greet you in the Lord.

23 (X)Gaius, my host and the host of the whole church, greets you. (Y)Erastus, the treasurer of the city, greets you, and Quartus, a brother. 24 (Z)The[f] grace of our Lord Jesus Christ be with you all. Amen.

Benediction

25 [g]Now (AA)to Him who is able to establish you (AB)according to my gospel and the preaching of Jesus Christ, (AC)according to the revelation of the mystery (AD)kept secret since the world began 26 but (AE)now made manifest, and by the prophetic Scriptures made known to all nations, according to the commandment of the everlasting God, for (AF)obedience to the faith— 27 to (AG)God, alone wise, be glory through Jesus Christ forever. Amen.

Footnotes

  1. Romans 16:5 NU Asia
  2. Romans 16:11 Or relative
  3. Romans 16:16 NU All the churches
  4. Romans 16:18 NU, M omit Jesus
  5. Romans 16:19 innocent
  6. Romans 16:24 NU omits v. 24.
  7. Romans 16:25 M puts Rom. 16:25–27 after Rom. 14:23.