Add parallel Print Page Options

14 Idalangin(A) ninyo ang mga umuusig sa inyo; idalangin ninyo sila at huwag sumpain. 15 Makigalak(B) kayo sa mga nagagalak, at makitangis sa mga tumatangis. 16 Magkaisa(C) kayo ng saloobin. Huwag kayong magmayabang, sa halip ay makisama kayo kahit sa mga dukha.[a] Huwag ninyong ipalagay na kayo'y napakarunong.

17 Huwag ninyong gantihan ng masama ang masama. Sikapin ninyong mamuhay nang marangal sa harap ng lahat ng mga tao. 18 Hangga't maaari, gawin ninyo ang inyong makakaya upang mamuhay kayo nang mapayapa kasama ng sinuman. 19 Mga(D) minamahal, huwag kayong maghihiganti; ipaubaya ninyo iyon sa galit ng Diyos. Sapagkat nasusulat, “Akin ang paghihiganti, ako ang gaganti, sabi ng Panginoon.” 20 Sa halip,(E) “Kung nagugutom ang iyong kaaway, pakainin mo; kung nauuhaw, painumin mo; sa gayon ay magbubunton ka ng mga baga sa kanyang ulo.”[b] 21 Huwag kayong magpadaig sa masama, kundi daigin ninyo ng mabuti ang masama.

Read full chapter

Footnotes

  1. Roma 12:16 makisama kayo kahit sa mga dukha: o kaya'y ialay ninyo ang inyong sarili maging sa mga gawaing mabababâ .
  2. Roma 12:20 sa gayon...sa kanyang ulo: o kaya'y sa gayon mapapahiya siya sa kanyang sarili .