10 弟兄姊妹,我心里切望并向上帝祈求的,就是以色列人能够得救。 我可以证明,他们对上帝有热心,但不是基于真知。 他们不知道上帝所赐的义,想努力建立自己的义,不肯服从上帝的义。 其实基督是律法的终极目的,使所有信靠祂的人都可以得到义。

求告主名的都必得救

关于律法的义,摩西写道:“人若遵行律法的诫命,就必活着。” 但是论到以信心为基础的义,圣经上说:“不要心里说,‘谁要升到天上去呢?’意思是谁要把基督领下来, 或说,‘谁要下到阴间去呢?’意思是谁要把基督从死人中领上来。” 其实这里是说:“这道近在咫尺,就在你口里,在你心中。”这道就是我们所传的信主之道。 你若口里承认耶稣是主,心里相信上帝使祂从死里复活,就必得救。 10 因为人心里相信,就可以被称为义人,口里承认,就可以得救。 11 正如圣经上说:“信靠祂的人必不致蒙羞。” 12 犹太人和希腊人并没有分别,因为主是所有人的主,祂厚待所有求告祂的人, 13 因为“凡求告主名的都必得救。”

14 可是,人还没信祂,怎能求告祂呢?还没听说过祂,怎能信祂呢?没有人传道,怎能听说过祂呢? 15 人没有受差遣,怎能传道呢?正如圣经上说:“那传福音之人的脚踪是何等佳美!” 16 只是并非人人都信福音,就像以赛亚先知所说的:“主啊!谁相信我们所传的呢?”

17 由此可见,听了道,才会信道;有了基督的话,才有道可听。 18 但我要问,以色列人没有听过吗?当然听过。因为

“他们的声音传遍天下,
他们的话语传到地极。”

19 我再问,难道以色列人不知道吗?首先,摩西说:

“我要借无名之民挑起你们的嫉妒,
用愚昧的国民激起你们的怒气。”

20 后来,以赛亚先知又放胆地说:

“我让没有寻找我的人寻见,
我向没有求问我的人显现。”

21 至于以色列人,他说:

“我整天伸出双手招呼那悖逆顽固的百姓。”

10 Mga kapatid, hangarin ng aking puso at dalangin sa Diyos na maligtas ang sambayanang Israel. Makapagpapatunay ako na masigasig sila tungkol sa Diyos, subalit hindi ito ayon sa tamang pagkaunawa. Dahil hindi nila nauunawaan ang pagiging matuwid na nagmumula sa Diyos, at nagsisikap silang magtayo ng sariling paraan upang maging matuwid, hindi sila nagpasakop sa paraan ng Diyos sa pagiging matuwid. Si Cristo ang katuparan ng Kautusan upang maging matuwid ang bawat sumasampalataya sa kanya.

Kaligtasan para sa Lahat

Ganito (A) ang sinulat ni Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa Kautusan, “Ang taong gumagawa ng mga bagay na ito ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga ito.” Ngunit (B) ganito naman ang sinasabi ng pagiging matuwid batay sa pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat sa langit?’ ”—ito ay upang ibaba si Cristo. “O, ‘Sino ang lulusong sa kailaliman?’ ”—ito ay upang iahon si Cristo mula sa mga patay. Ngunit ano ang sinasabi nito? “Malapit sa iyo ang salita, nasa iyong bibig, at nasa iyong puso.” Ito ang salita ng pananampalataya na aming ipinapangaral. Sapagkat kung ipahahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon, at sasampalataya ka nang buong puso na binuhay siyang muli ng Diyos mula sa kamatayan ay maliligtas ka. 10 Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng puso tungo sa pagiging matuwid at nagpapahayag sa pamamagitan ng bibig tungo sa kaligtasan. 11 Sinasabi (C) ng kasulatan, “Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” 12 Walang pagkakaiba ang Judio at Griyego, sapagkat iisa ang Panginoon ng lahat, at siya'y mapagpala sa lahat ng tumatawag sa kanya. 13 Sapagkat, (D) “Ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.” 14 Ngunit paano sila tatawag sa hindi nila sinampalatayanan? Paano naman sila sasampalataya sa hindi nila napakinggan? At paano sila makikinig kung walang mangangaral? 15 At (E) paano sila mangangaral kung hindi sila isinugo? Gaya ng nasusulat, “Napakaganda ng mga paang nagdadala ng mabuting balita!” 16 Subalit (F) hindi lahat ay sumunod sa ebanghelyo. Sapagkat sinasabi ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?” 17 Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang naririnig ay sa pamamagitan ng pangangaral ng salita ni Cristo.[a] 18 Ngunit (G) sinasabi ko, hindi ba't narinig nila? Talagang narinig nila, ayon sa nasusulat,

“Umabot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,
    lumaganap ang kanilang mga salita hanggang sa dulo ng daigdig.”

19 Ngunit (H) ang tanong ko, hindi ba nauunawaan ng Israel? Una, sinasabi sa pamamagitan ni Moises,

“Pagseselosin ko kayo sa pamamagitan nila na hindi naman bansa,
    gagalitin ko kayo sa pamamagitan ng isang bansang walang pagkaunawa.”

20 At (I) sa pamamagitan ni Isaias ay buong tapang na sinasabi,

“Natagpuan ako ng mga taong hindi humahanap sa akin;
    Nagpakita ako sa mga taong hindi naman ako ipinagtatanong.”

21 Subalit (J) tungkol naman sa Israel ay sinasabi niya, “Mga kamay ko'y nag-aanyaya buong araw sa isang matigas ang ulo at suwail na bayan!”

Footnotes

  1. Roma 10:17 Sa ibang mga kasulatan ay ng Diyos.