Add parallel Print Page Options

13 Sapagkat, (A) “Ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.” 14 Ngunit paano sila tatawag sa hindi nila sinampalatayanan? Paano naman sila sasampalataya sa hindi nila napakinggan? At paano sila makikinig kung walang mangangaral? 15 At (B) paano sila mangangaral kung hindi sila isinugo? Gaya ng nasusulat, “Napakaganda ng mga paang nagdadala ng mabuting balita!”

Read full chapter

13 Sapagkat,(A) “Ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.”

14 Ngunit paano nga silang tatawag sa kanya na hindi nila sinampalatayanan? At paano sila sasampalataya sa kanya na hindi nila napakinggan? At paano sila makikinig kung walang mangangaral?

15 At(B) paano sila mangangaral kung hindi sila sinugo? Gaya ng nasusulat, “Anong ganda ng mga paa ng mga nagdadala ng mabuting balita ng mabubuting bagay!”

Read full chapter

13 Sapagka't, Ang lahat na nagsisitawag sa pangalan ng Panginoon ay mangaliligtas.

14 Paano nga silang magsisitawag doon sa hindi nila sinampalatayanan? at paano silang magsisisampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? at paano silang mangakikinig na walang tagapangaral?

15 At paano silang magsisipangaral, kung hindi sila nga sinugo? gaya nga ng nasusulat, Anong pagkaganda ng mga paa niyaong mga nagdadala ng masasayang balita ng mga bagay na mabuti!

Read full chapter

13 Ito ay sapagkat:

Ang bawat isang tatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.

14 Papaano nga sila tatawag sa kaniya kung hindi sila sumasampalataya sa kaniya? Papaano sila sasampalataya sa kaniya kung hindi sila nakakapakinig patungkol sa kaniya? Papaano sila makakapakinig kung walang mangangaral? 15 Papaano sila makakapangaral malibang sila ay isugo? Ayon sa nasusulat:

Kayganda ng mga paa nila na nagpapahayag ng ebanghelyo ng kapayapaan at ang mga paa ng mga nagdadala ng ebanghelyo ng mabubuting bagay.

Read full chapter