Font Size
Roma 1:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Roma 1:29-31
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
29 Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kabuktutan,[a] kasakiman, maruruming pag-iisip, pagkainggit, pagpaslang, pagtatalo, pandaraya at masasamang hangarin. Sila'y naging mahilig sa tsismis, 30 mapanirang puri, nasusuklam sa Diyos,[b] walang pakundangan, mapagmataas, mayayabang, mapagkatha ng kasamaan, at suwail sa magulang. 31 Sila'y naging mga hangal, mga taksil, mga walang puso, at di-marunong lumingap sa kapwa.
Read full chapter