Font Size
Roma 1:18-20
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Roma 1:18-20
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Nagkasala ang Sangkatauhan
18 Nahahayag mula sa langit ang poot ng Diyos laban sa lahat ng kasamaan at kalikuan ng mga taong sumisikil sa katotohanan sa pamamagitan ng kanilang kasamaan. 19 Sapagkat ang maaaring malaman tungkol sa Diyos ay maliwanag sa kanila, yamang iyon ay ipinahayag na sa kanila ng Diyos. 20 Mula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, ang kanyang hindi nakikitang kalikasan—ang kanyang walang hanggang kapangyarihan at pagka-Diyos—ay maliwanag na nakikita at nauunawaan dahil sa mga bagay na kanyang ginawa. Kaya't ang mga gayong tao'y wala nang maidadahilan pa.
Read full chapter
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.