Roma 8:14-16
Ang Biblia (1978)
14 Sapagka't ang lahat (A)ng mga pinapatnubayan ng Espiritu ng Dios, ay sila ang mga anak ng Dios.
15 Sapagka't (B)hindi ninyo muling tinanggap (C)ang espiritu ng pagkaalipin sa ikatatakot; datapuwa't tinanggap ninyo ang (D)espiritu ng pagkukupkop, na dahil dito'y sumisigaw tayo, (E)Abba, Ama.
16 Ang Espiritu rin ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu, na tayo'y mga anak ng Dios:
Read full chapter
Roma 8:27
Ang Biblia (1978)
27 At ang nakasisiyasat ng mga puso'y nakakaalam kung ano ang kaisipan ng Espiritu, sapagka't siya ang (A)namamagitan dahil sa mga banal (B)alinsunod sa kalooban ng Dios.
Read full chapter
Roma 15:30
Ang Biblia (1978)
30 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, alangalang sa Panginoon nating Jesucristo, at sa pagibig ng Espiritu, (A)na kayo'y makipagsikap na kasama ko sa inyong mga pananalangin sa Dios patungkol sa akin;
Read full chapter
1 Corinto 2:10
Ang Biblia (1978)
10 Nguni't ang mga ito ay ipinahayag sa atin (A)ng Dios sa pamamagitan ng Espiritu; sapagka't nasisiyasat ng Espiritu ang lahat ng mga bagay, oo, ang malalalim na mga bagay ng Dios.
Read full chapter
Mga Gawa 8:29
Ang Biblia (1978)
29 At sinabi kay Felipe ng Espiritu, Lumapit ka, at makisama sa karong ito.
Read full chapter
Mga Gawa 10:19-20
Ang Biblia (1978)
19 At samantalang iniisip ni Pedro ang tungkol sa pangitain, ay sinabi sa kaniya ng Espiritu, Narito, hinahanap ka ng (A)tatlong tao.
20 Datapuwa't magtindig ka, at manaog ka, at sumama ka sa kanila, na huwag kang magalinlangan ng anoman: sapagka't sila'y aking sinugo.
Read full chapter
Mga Gawa 28:25
Ang Biblia (1978)
25 At nang sila'y hindi mangagkaisa, ay nangagsialis pagkasabi ni Pablo ng isang salita, Mabuti ang pagkasalita ng Espiritu Santo sa pamamagitan ng propeta Isaias sa inyong mga magulang,
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
