Mga Panaghoy 2:2-4
Ang Biblia (1978)
2 Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob, at siya'y hindi naawa:
Kanyang ibinagsak sa kaniyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng Juda;
Kaniyang inilugmok ang mga yaon sa lupa: (A)kaniyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon.
3 Kaniyang inihiwalay sa pamamagitan ng mabangis na galit ang buong (B)sungay ng Israel;
(C)Kaniyang iniurong ang kaniyang kanang kamay sa harap ng kaaway:
At kaniyang sinilaban ang Jacob na parang maalab na apoy, na namumugnaw sa palibot.
4 Kaniyang iniakma ang kaniyang busog na parang kaaway, (D)kaniyang iniyamba ang kaniyang kanan na parang kalaban,
At pinatay ang lahat na maligaya sa mata:
Sa tolda ng anak na babae ng Sion ay kaniyang ibinuhos ang kaniyang kapusukan na parang apoy.
Mga Panaghoy 2:2-4
Ang Biblia, 2001
2 Nilamon ng Panginoon, hindi siya nagpatawad
sa lahat ng tahanan ng Jacob.
Sa kanyang poot ay ibinagsak niya
ang mga muog ng anak na babae ng Juda;
kanyang inilugmok sa lupa na walang karangalan
ang kanyang kaharian at ang mga prinsipe nito.
3 Kanyang pinutol sa matinding galit
ang lahat ng kapangyarihan ng Israel;
iniurong niya sa kanila ang kanyang kanang kamay
sa harapan ng kaaway;
siya'y nag-alab na gaya ng nag-aalab na apoy sa Jacob,
na tumutupok sa buong paligid.
4 Iniakma niya ang kanyang pana na parang kaaway,
na ang kanyang kanang kamay ay nakaakma na parang kalaban,
at pinatay ang lahat ng kaaya-aya sa mata;
sa tolda ng anak na babae ng Zion;
ibinuhos niya ang kanyang matinding galit na parang apoy.
Panaghoy 2:2-4
Ang Dating Biblia (1905)
2 Nilamon ng Panginoon ang lahat na tahanan ng Jacob, at siya'y hindi naawa: Kanyang ibinagsak sa kaniyang poot ang mga katibayan ng anak na babae ng Juda; kaniyang inilugmok ang mga yaon sa lupa: kaniyang ipinahamak ang kaharian at ang mga prinsipe niyaon.
3 Kaniyang inihiwalay sa pamamagitan ng mabangis na galit ang buong sungay ng Israel; kaniyang iniurong ang kaniyang kanang kamay sa harap ng kaaway: at kaniyang sinilaban ang Jacob na parang maalab na apoy, na namumugnaw sa palibot.
4 Kaniyang iniakma ang kaniyang busog na parang kaaway, kaniyang iniyamba ang kaniyang kanan na parang kalaban, at pinatay ang lahat na maligaya sa mata: sa tolda ng anak na babae ng Sion ay kaniyang ibinuhos ang kaniyang kapusukan na parang apoy.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
