Print Page Options

Ang Pagdadalamhati ng Jerusalem

O(A) anong lungkot ng lunsod na dating matao!
    Siya na dating bantog sa buong mundo ngayo'y tulad na ng isang balo;
    siya na dating pangunahing lunsod ngayon ay isa nang lingkod!

Buong kapaitan siyang umiiyak sa magdamag, ang mga mata'y laging luhaan;
    lumayo na ang lahat at walang natira kahit isa upang umaliw sa kanya.
    Ang dati niyang mga kaibigan ngayon ay naging mga kaaway na.

Read full chapter
'Panaghoy 1:1-2' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Mga Kapanglawan ng Jerusalem

Kaylungkot na nakaupong nag-iisa ang lunsod
    na dating punô ng mga tao!
Siya'y naging parang isang balo,
    siya na dating dakila sa gitna ng mga bansa!
Siya na dating prinsesa ng mga lalawigan
    ay naging alipin!

Siya'y umiiyak nang mapait sa gabi,
    may mga luha sa kanyang mga pisngi;
sa lahat ng kanyang mangingibig
    ay wala ni isa mang sa kanya'y umaliw,
lahat ng kanyang mga kaibigan sa kanya ay nagtaksil,
    sila'y naging mga kaaway niya.

Read full chapter

Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao! Siya'y naging parang isang bao, na naging dakila sa gitna ng mga bansa! Siya na naging prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis!

Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi; sa lahat ng mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya: ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.

Read full chapter

Mga kapanglawan ng binihag na Sion.

Ano't nakaupong magisa ang bayan na puno ng mga tao!
Siya'y naging parang isang bao, (A)na naging dakila sa gitna ng mga bansa!
Siya na naging (B)prinsesa sa gitna ng mga lalawigan, ay naging mamumuwis!
Siya'y umiiyak na lubha sa gabi, at ang mga luha niya ay dumadaloy sa kaniyang mga pisngi;
Sa lahat ng (C)mangingibig sa kaniya ay walang umaliw sa kaniya:
Ginawan siya ng kataksilan ng lahat ng kaniyang mga kaibigan; sila'y naging kaniyang mga kaaway.

Read full chapter