Pahayag 7
Magandang Balita Biblia
Ang 144,000 na Tinatakan sa Israel
7 Pagkatapos(A) nito, may nakita akong apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng daigdig. Pinipigil nila ang apat na hangin upang huwag umihip sa lupa, sa dagat o sa alinmang punongkahoy. 2 At nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buháy. Sumigaw siya sa apat na anghel na binigyan ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat, 3 “Huwag(B) muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga punongkahoy hangga't hindi pa namin nalalagyan ng tatak sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.” 4 At narinig ko ang bilang ng mga tinatakan, isandaan at apatnapu't apat na libo (144,000) buhat sa labindalawang (12) lipi ng Israel. 5-8 Tig-labindalawang libo (12,000) mula sa bawat lipi ng Israel: Juda, Ruben, Gad, Asher, Neftali, Manases, Simeon, Levi, Isacar, Zebulun, Jose, at Benjamin.
Ang mga Nagtagumpay Mula sa Lahat ng Bansa
9 Pagkatapos nito'y nakita ko ang napakaraming tao na di kayang bilangin ninuman! Sila'y mula sa bawat bansa, lipi, bayan, at wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at ng Kordero, nakadamit ng puti at may hawak na mga palaspas. 10 Isinisigaw nila, “Ang kaligtasan ay nagmumula sa ating Diyos na nakaluklok sa trono, at sa Kordero!” 11 Tumayo ang lahat ng anghel sa palibot ng trono, ng matatandang pinuno, at ng apat na nilalang na buháy. Sila'y nagpatirapa sa harap ng trono at sumamba sa Diyos 12 na nagsasabi, “Amen! Sa ating Diyos ang papuri, kaluwalhatian, karunungan, pasasalamat, karangalan, kapangyarihan, at kalakasan magpakailanman! Amen.”
13 Tinanong ako ng isa sa matatandang pinuno, “Sino ang mga taong nakadamit ng puti, at saan sila nanggaling?”
14 “Ginoo,(C) kayo po ang nakakaalam,” ang sagot ko.
At sinabi niya sa akin, “Sila ang mga nanggaling sa matinding kapighatian. Nilinis nila at pinaputi ang kanilang damit sa dugo ng Kordero. 15 Iyan ang dahilan kung bakit sila ay nasa harap ng trono ng Diyos at naglilingkod sa kanya sa templo araw at gabi. At ang nakaupo sa trono ang siyang kukupkop sa kanila. 16 Hindi(D) na sila magugutom ni mauuhaw man; hindi na rin sila mabibilad sa araw ni mapapaso ng anumang matinding init, 17 sapagkat(E) ang Korderong nasa gitna ng trono ang magiging pastol nila. Siya ang gagabay sa kanila sa mga bukal ng tubig na nagbibigay-buhay, at papahirin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata.”
Pahayag 7
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang 144,000 na Tinatakan
7 Pagkatapos (A) nito, nakakita ako ng apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, at pumipigil sa apat na hangin ng lupa, upang walang hanging makaihip sa lupa, sa dagat, at maging sa anumang puno. 2 Nakita ko ang isa pang anghel na umaakyat mula sa silangan, dala-dala ang tatak ng Diyos na buháy, at sumigaw nang malakas sa apat na anghel na binigyan ng kapangyarihang salantain ang lupa at ang dagat. 3 Sinabi niya sa kanila, “Huwag (B) ninyong salantain ang lupa o ang dagat, o ang mga puno, hanggang matatakan na namin sa kanilang noo ang mga alipin ng ating Diyos. 4 At narinig ko ang bilang ng mga tinatakan—isandaan at apatnapu't apat na libo ang tinatakan, mula sa bawat lipi ng mga anak ni Israel:
5 Sa lipi ni Juda, 12,000;
sa lipi ni Ruben, 12,000;
sa lipi ni Gad, 12,000;
6 sa lipi ni Aser, 12,000;
sa lipi ni Neftali, 12,000;
sa lipi ni Manases, 12,000;
7 sa lipi ni Simeon, 12,000;
sa lipi ni Levi, 12,000;
sa lipi ni Isacar, 12,000;
8 sa lipi ni Zebulun, 12,000;
sa lipi ni Jose, 12,000;
sa lipi ni Benjamin, 12,000.
Ang Makapal na Bilang ng Tao mula sa Bawat Bansa
9 Pagkatapos nito ay tumingin ako, at naroon ang napakakapal na bilang ng taong hindi kayang bilangin ng sinuman, mula sa bawat bansa, mula sa lahat ng lipi, mga bayan, at mga wika. Nakatayo sila sa harap ng trono at sa harap ng Kordero, nakasuot ng puting damit at may hawak-hawak na mga sanga ng palma. 10 Sumisigaw sila na nagsasabi,
“Ang kaligtasan ay buhat sa ating Diyos na nakaupo sa trono at sa Kordero!”
11 At lahat ng anghel ay tumayo sa paligid ng trono, sa paligid ng matatanda, at ng apat na buháy na nilalang. Nagpatirapa sila sa harap ng trono at sinamba ang Diyos, 12 na nagsasabi,
“Amen! Sa aming Diyos ang kapurihan,
kaluwalhatian, karunungan, pasasalamat,
karangalan, kapangyarihan at kalakasan
magpakailanpaman! Amen.”
13 Isa sa matatanda ang nagtanong sa akin, “Sino ang mga ito na nakadamit ng puti, at saan sila nanggaling?” 14 Sinabi ko sa kanya, “Ginoo, (C) ikaw po ang nakaaalam.” At sinabi niya sa akin, “Ang mga ito ang nanggaling sa matinding kapighatian; hinugasan nila at pinaputi ang kanilang mga damit sa pamamagitan ng dugo ng Kordero.
15 Dahil dito, sila'y nasa harap ng trono ng Diyos,
at naglilingkod sa kanya araw-gabi sa kanyang templo,
at sila'y kukupkupin ng nakaupo sa trono.
16 Hindi (D) na sila magugutom ni mauuhaw man;
hindi na sila sasaktan ng sikat ng araw,
o ng anumang nakapapasong init;
17 sapagkat (E) ang Korderong nasa gitna ng trono ang kanilang magiging pastol,
at kanyang aakayin sila tungo sa mga bukal ng tubig ng buhay,
at papahirin ng Diyos ang luha sa kanilang mga mata.”
Apocalipsis 7
Ang Biblia (1978)
7 At pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, (A)na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anomang punong kahoy.
2 At nakita ko ang ibang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak (B)ng Dios na buhay: at siya'y sumigaw ng tinig na malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang maipahamak ang lupa at ang dagat,
3 Na nagsasabi, (C)Huwag ninyong ipahamak ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong kahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Dios.
4 At narinig ko ang bilang (D)ng mga natatakan, na (E)isang daan at apat na pu't apat na libo, na natatakan, sa bawa't angkan ng mga anak ni Israel:
5 Sa angkan ni Juda ay labingdalawang libo ang tinatakan;
Sa angkan ni Ruben ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Gad ay labingdalawang libo;
6 Sa angkan ni Aser ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Neftali ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Manases ay labingdalawang libo;
7 Sa angkan ni Simeon ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Levi ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Isacar ay labingdalawang libo;
8 Sa angkan ni Zabulon ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Jose ay labingdalawang libo;
Sa angkan ni Benjamin ay labingdalawang libo ang tinatakan.
9 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at narito, ang isang lubhang karamihan na di mabilang ng sinoman, (F)na mula sa bawa't bansa at lahat ng mga angkan at mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng luklukan at sa harapan ng Cordero, na (G)nangadaramtan ng mapuputing damit, at may mga (H)palma sa kanilang mga kamay;
10 At nagsisigawan ng tinig na malakas, na nangagsasabi,
11 At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng luklukan, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buhay; at sila'y nangagpatirapa sa harapan ng luklukan, at nangagsisamba sa Dios,
12 Na nangagsasabi,
(K)Siya nawa: Pagpapala at kaluwalhatian, at karunungan, at pagpapasalamat, at karangalan, at kapangyarihan, at kalakasan, nawa ang sumaaming Dios magpakailan kailan man. Siya nawa.
13 At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsipanggaling?
14 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at (L)nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.
15 Kaya't sila'y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nangaglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay (M)lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo.
16 Sila'y hindi na magugutom pa, (N)ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:
17 Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan (O)ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at (P)papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.
Apocalipsis 7
Ang Biblia, 2001
Ang 144,000—ang Bayang Israel
7 Pagkatapos(A) nito ay nakakita ako ng apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na hangin ng lupa, upang huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anumang punungkahoy.
2 At nakita ko ang isa pang anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Diyos na buháy at siya'y sumigaw nang may malakas na tinig sa apat na anghel na pinagkalooban ng kapangyarihang pinsalain ang lupa at ang dagat,
3 na(B) nagsasabi, “Huwag ninyong pinsalain ang lupa, o ang dagat, o ang mga punungkahoy, hanggang sa aming matatakan sa kanilang mga noo ang mga alipin ng ating Diyos.”
4 At narinig ko ang bilang ng mga tinatakan, 144,000, tinatakan mula sa bawat lipi ng mga anak ni Israel:
5 Sa lipi ni Juda ay 12,000 ang tinatakan;
sa lipi ni Ruben ay 12,000;
sa lipi ni Gad ay 12,000;
6 sa lipi ni Aser ay 12,000;
sa lipi ni Neftali ay 12,000;
sa lipi ni Manases ay 12,000;
7 sa lipi ni Simeon ay 12,000;
sa lipi ni Levi ay 12,000;
sa lipi ni Isacar ay 12,000;
8 sa lipi ni Zebulon ay 12,000;
sa lipi ni Jose ay 12,000;
sa lipi ni Benjamin ay 12,000 ang tinatakan.
Ang Di-Mabilang na mga Tao
9 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at naroon, ang napakaraming tao na di-mabilang ng sinuman, mula sa bawat bansa, sa lahat ng mga lipi, mga bayan at mga wika, na nakatayo sa harapan ng trono at sa harapan ng Kordero, na nakasuot ng mapuputing damit, at may mga sanga ng palma sa kanilang mga kamay;
10 at nagsisigawan nang may malakas na tinig, na nagsasabi,
“Ang pagliligtas ay sa aming Diyos na nakaupo sa trono, at sa Kordero!”
11 At ang lahat ng mga anghel ay tumayo sa palibot ng trono, at ng matatanda at ng apat na nilalang na buháy at sila'y nagpatirapa sa harapan ng trono at sumamba sa Diyos,
12 na nagsasabi,
“Amen! Ang pagpapala, kaluwalhatian, karunungan,
pagpapasalamat, karangalan,
kapangyarihan, at kalakasan,
ay sa aming Diyos magpakailanpaman. Amen.”
13 At sumagot ang isa sa matatanda na nagsasabi sa akin, “Ang mga ito na may suot ng mapuputing damit, sino ba sila at saan sila nanggaling?”
14 Sinabi(C) ko sa kanya, “Ginoo, ikaw ang nakakaalam.” At sinabi niya sa akin, “Ang mga ito ang nanggaling sa malaking kapighatian, at naghugas ng kanilang mga damit at pinaputi ang mga ito sa dugo ng Kordero.
15 Kaya't sila'y nasa harapan ng trono ng Diyos at naglilingkod sa kanya araw at gabi sa kanyang templo; at siyang nakaupo sa trono ay kakanlungan sila.
16 Sila'y(D) hindi na magugutom pa, ni mauuhaw man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anumang nakakapasong init,
17 sapagkat(E) ang Kordero na nasa gitna ng trono ay siyang magiging pastol nila, at sila'y papatnubayan patungo sa mga bukal ng tubig ng buhay; at papahirin ng Diyos ang bawat luha sa kanilang mga mata.”
Revelation 7
New International Version
144,000 Sealed
7 After this I saw four angels standing at the four corners(A) of the earth, holding back the four winds(B) of the earth to prevent(C) any wind from blowing on the land or on the sea or on any tree. 2 Then I saw another angel coming up from the east, having the seal(D) of the living God.(E) He called out in a loud voice to the four angels who had been given power to harm the land and the sea:(F) 3 “Do not harm(G) the land or the sea or the trees until we put a seal on the foreheads(H) of the servants of our God.” 4 Then I heard the number(I) of those who were sealed: 144,000(J) from all the tribes of Israel.
5 From the tribe of Judah 12,000 were sealed,
from the tribe of Reuben 12,000,
from the tribe of Gad 12,000,
6 from the tribe of Asher 12,000,
from the tribe of Naphtali 12,000,
from the tribe of Manasseh 12,000,
7 from the tribe of Simeon 12,000,
from the tribe of Levi 12,000,
from the tribe of Issachar 12,000,
8 from the tribe of Zebulun 12,000,
from the tribe of Joseph 12,000,
from the tribe of Benjamin 12,000.
The Great Multitude in White Robes
9 After this I looked, and there before me was a great multitude that no one could count, from every nation, tribe, people and language,(K) standing before the throne(L) and before the Lamb. They were wearing white robes(M) and were holding palm branches in their hands. 10 And they cried out in a loud voice:
11 All the angels were standing around the throne and around the elders(P) and the four living creatures.(Q) They fell down on their faces(R) before the throne and worshiped God, 12 saying:
“Amen!
Praise and glory
and wisdom and thanks and honor
and power and strength
be to our God for ever and ever.
Amen!”(S)
13 Then one of the elders asked me, “These in white robes(T)—who are they, and where did they come from?”
14 I answered, “Sir, you know.”
And he said, “These are they who have come out of the great tribulation; they have washed their robes(U) and made them white in the blood of the Lamb.(V) 15 Therefore,
“they are before the throne of God(W)
and serve him(X) day and night in his temple;(Y)
and he who sits on the throne(Z)
will shelter them with his presence.(AA)
16 ‘Never again will they hunger;
never again will they thirst.(AB)
The sun will not beat down on them,’[a]
nor any scorching heat.(AC)
17 For the Lamb at the center of the throne
will be their shepherd;(AD)
‘he will lead them to springs of living water.’[b](AE)
‘And God will wipe away every tear from their eyes.’[c]”(AF)
Footnotes
- Revelation 7:16 Isaiah 49:10
- Revelation 7:17 Isaiah 49:10
- Revelation 7:17 Isaiah 25:8
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.

