Add parallel Print Page Options

At nakita kong umaakyat sa gawing silangan ang isa pang anghel, taglay ang pantatak ng Diyos na buháy. Sumigaw siya sa apat na anghel na binigyan ng kapangyarihang maminsala sa lupa at sa dagat, “Huwag(A) muna ninyong pinsalain ang lupa, ang dagat o ang mga punongkahoy hangga't hindi pa namin nalalagyan ng tatak sa noo ang mga lingkod ng ating Diyos.” At narinig ko ang bilang ng mga tinatakan, isandaan at apatnapu't apat na libo (144,000) buhat sa labindalawang (12) lipi ng Israel.

Read full chapter

Nakita ko ang isa pang anghel na umaakyat mula sa silangan, dala-dala ang tatak ng Diyos na buháy, at sumigaw nang malakas sa apat na anghel na binigyan ng kapangyarihang salantain ang lupa at ang dagat. Sinabi niya sa kanila, “Huwag (A) ninyong salantain ang lupa o ang dagat, o ang mga puno, hanggang matatakan na namin sa kanilang noo ang mga alipin ng ating Diyos. At narinig ko ang bilang ng mga tinatakan—isandaan at apatnapu't apat na libo ang tinatakan, mula sa bawat lipi ng mga anak ni Israel:

Read full chapter

Then I saw another angel coming up from the east, having the seal(A) of the living God.(B) He called out in a loud voice to the four angels who had been given power to harm the land and the sea:(C) “Do not harm(D) the land or the sea or the trees until we put a seal on the foreheads(E) of the servants of our God.” Then I heard the number(F) of those who were sealed: 144,000(G) from all the tribes of Israel.

Read full chapter