Font Size
Pahayag 4:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Pahayag 4:6-8
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
6 Sa harap ng trono ay mayroon ding parang dagat na salamin na kasinglinaw ng kristal.
Nakapaligid sa trono ang apat na buhay na nilalang na punong-puno ng mga mata sa harap at likod. 7 Ang unang nilalang ay parang leon, ang pangalawa ay parang guya,[a] ang pangatlo ay may mukha na parang tao, at ang pang-apat ay parang agilang lumilipad. 8 Tig-aanim ang mga pakpak nila at punong-puno ng mata ang buong katawan. Araw-gabi ay wala silang tigil sa pagsasabi ng:
“Banal! Banal! Banal ang Panginoong Dios nating makapangyarihan sa lahat.
Siya ang Dios noon, ngayon, at sa hinaharap.”
Footnotes
- 4:7 guya: sa Ingles, “calf.”
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND)
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®