Add parallel Print Page Options

Ang Mensahe sa Sardis

“At sa anghel ng iglesya sa Sardis ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng may pitong Espiritu ng Diyos at may pitong bituin:

“Alam ko ang iyong mga gawa, sa pangalan ikaw ay nabubuhay, ngunit ikaw ay patay.

Gumising ka, at palakasin mo ang mga bagay na natitira, na malapit nang mamatay, sapagkat hindi ko natagpuang ganap ang iyong mga gawa sa harapan ng aking Diyos.

Kaya't(A) alalahanin mo kung paano mo ito tinanggap at narinig; tuparin mo ito at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka gigising, darating akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong oras ako darating sa iyo.

Ngunit mayroon ka pang ilan sa Sardis[a] na hindi dinungisan ang kanilang mga damit; at sila'y kasama kong lalakad na nakaputi, sapagkat sila'y karapat-dapat.

Ang(B) magtagumpay ay bibihisang gayon ng mapuputing damit; at hindi ko kailanman papawiin ang kanyang pangalan sa aklat ng buhay. At ipahahayag ko ang kanyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kanyang mga anghel.

Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.

Ang Mensahe sa Filadelfia

“At(C) sa anghel ng iglesya sa Filadelfia ay isulat mo:

“Ang mga bagay na ito ang sinasabi ng banal, ng totoo,
    na may susi ni David,
    na nagbubukas at hindi maisasara ng sinuman, na nagsasara at walang makakapagbukas.

“Alam ko ang iyong mga gawa. Tingnan mo, inilagay ko sa harapan mo ang isang pintong bukas, na hindi maisasara ng sinuman. Alam kong ikaw ay may kaunting kapangyarihan, ngunit tinupad mo ang aking salita, at hindi mo itinakuwil ang aking pangalan.

Ibinibigay(D) ko sa mga sinagoga ni Satanas na nagsasabing sila'y mga Judio, at sila'y hindi, kundi nagsisinungaling: sila'y aking papupuntahin at pasasambahin sa harap ng iyong mga paa, at malalaman nilang ikaw ay aking inibig.

10 Sapagkat tinupad mo ang salita ng aking pagtitiis, ikaw naman ay aking iingatan sa oras ng pagsubok na darating sa buong daigdig, upang subukin ang mga naninirahan sa ibabaw ng lupa.

11 Ako'y dumarating na madali; panghawakan mong matibay ang nasa iyo, upang walang makaagaw ng iyong korona.

12 Ang(E) magtagumpay ay gagawin kong haligi sa templo ng aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa roon, at isusulat ko sa kanya ang pangalan ng aking Diyos, at ang pangalan ng lunsod ng aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na bumababa buhat sa langit, mula sa aking Diyos, at ang aking sariling bagong pangalan.

13 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.

Ang Mensahe sa Laodicea

14 “At(F) sa anghel ng iglesya sa Laodicea ay isulat mo: Ang mga bagay na ito ay sinasabi ng Amen, ng saksing tapat at totoo, nang pasimula ng paglalang ng Diyos:

15 “Alam ko ang iyong mga gawa; ikaw ay hindi malamig o mainit man. Ibig ko sanang ikaw ay malamig o mainit.

16 Kaya, dahil ikaw ay malahininga, at hindi mainit o malamig man, ay isusuka kita mula sa aking bibig.

17 Sapagkat sinasabi mo, ‘Ako'y mayaman, at naging mariwasa at hindi ako nangangailangan ng anuman.’ Hindi mo nalalamang ikaw ay aba, kahabag-habag, maralita, bulag at hubad.

18 Ipinapayo ko sa iyo na bumili ka sa akin ng gintong dinalisay ng apoy upang ikaw ay yumaman, at ng mapuputing damit upang iyong maisuot, at upang huwag mahayag ang iyong kahiyahiyang kahubaran, at ng pampahid na ilalagay sa iyong mga mata, upang ikaw ay makakita.

19 Ang(G) lahat na aking iniibig ay aking sinasaway at dinidisiplina. Ikaw nga'y magsikap, at magsisi.

20 Makinig ka! Ako'y nakatayo sa may pintuan at tumutuktok; kung diringgin ng sinuman ang aking tinig at buksan ang pinto, ako'y papasok sa kanya, at kakaing kasalo niya, at siya'y kasalo ko.

21 Ang magtagumpay ay pagkakalooban ko na umupong kasama ko sa aking trono, gaya ko naman na nagtagumpay at umupong kasama ng aking Ama sa kanyang trono.

22 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.”

Footnotes

  1. Apocalipsis 3:4 Sa Griyego ay ilang pangalan sa Sardis .

To the Church in Sardis

“To the angel[a] of the church in Sardis(A) write:

These are the words of him who holds the seven spirits[b](B) of God and the seven stars.(C) I know your deeds;(D) you have a reputation of being alive, but you are dead.(E) Wake up! Strengthen what remains and is about to die, for I have found your deeds unfinished in the sight of my God. Remember, therefore, what you have received and heard; hold it fast, and repent.(F) But if you do not wake up, I will come like a thief,(G) and you will not know at what time(H) I will come to you.

Yet you have a few people in Sardis who have not soiled their clothes.(I) They will walk with me, dressed in white,(J) for they are worthy. The one who is victorious(K) will, like them, be dressed in white.(L) I will never blot out the name of that person from the book of life,(M) but will acknowledge that name before my Father(N) and his angels. Whoever has ears, let them hear(O) what the Spirit says to the churches.

To the Church in Philadelphia

“To the angel of the church in Philadelphia(P) write:

These are the words of him who is holy(Q) and true,(R) who holds the key of David.(S) What he opens no one can shut, and what he shuts no one can open. I know your deeds.(T) See, I have placed before you an open door(U) that no one can shut. I know that you have little strength, yet you have kept my word and have not denied my name.(V) I will make those who are of the synagogue of Satan,(W) who claim to be Jews though they are not,(X) but are liars—I will make them come and fall down at your feet(Y) and acknowledge that I have loved you.(Z) 10 Since you have kept my command to endure patiently, I will also keep you(AA) from the hour of trial that is going to come on the whole world(AB) to test(AC) the inhabitants of the earth.(AD)

11 I am coming soon.(AE) Hold on to what you have,(AF) so that no one will take your crown.(AG) 12 The one who is victorious(AH) I will make a pillar(AI) in the temple of my God. Never again will they leave it. I will write on them the name of my God(AJ) and the name of the city of my God,(AK) the new Jerusalem,(AL) which is coming down out of heaven from my God; and I will also write on them my new name. 13 Whoever has ears, let them hear(AM) what the Spirit says to the churches.

To the Church in Laodicea

14 “To the angel of the church in Laodicea(AN) write:

These are the words of the Amen, the faithful and true witness,(AO) the ruler of God’s creation.(AP) 15 I know your deeds,(AQ) that you are neither cold nor hot.(AR) I wish you were either one or the other! 16 So, because you are lukewarm—neither hot nor cold—I am about to spit you out of my mouth. 17 You say, ‘I am rich; I have acquired wealth and do not need a thing.’(AS) But you do not realize that you are wretched, pitiful, poor, blind and naked.(AT) 18 I counsel you to buy from me gold refined in the fire,(AU) so you can become rich; and white clothes(AV) to wear, so you can cover your shameful nakedness;(AW) and salve to put on your eyes, so you can see.

19 Those whom I love I rebuke and discipline.(AX) So be earnest and repent.(AY) 20 Here I am! I stand at the door(AZ) and knock. If anyone hears my voice and opens the door,(BA) I will come in(BB) and eat with that person, and they with me.

21 To the one who is victorious,(BC) I will give the right to sit with me on my throne,(BD) just as I was victorious(BE) and sat down with my Father on his throne. 22 Whoever has ears, let them hear(BF) what the Spirit says to the churches.”

Footnotes

  1. Revelation 3:1 Or messenger; also in verses 7 and 14
  2. Revelation 3:1 That is, the sevenfold Spirit