Pahayag 21:2-4
Magandang Balita Biblia
2 At(A) nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, gaya ng isang babaing ikakasal. Siya'y nakabihis at nakahanda sa pagsalubong sa kanyang mapapangasawa. 3 Narinig(B) ko ang isang malakas na tinig mula sa trono, “Tingnan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay nasa piling na ng mga tao! Maninirahan siyang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Diyos mismo ang makakapiling nila at siya ang magiging Diyos nila. 4 At(C) papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata. Wala nang kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay.”
Read full chapter
Pahayag 21:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Nakita (A) ko ring bumababa mula sa langit, galing sa Diyos, ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, inihandang tulad ng isang babaing ikakasal na inayusan para sa kanyang asawa. 3 At (B) mula sa trono, isang malakas na tinig ang aking narinig,
“Masdan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay kasama na ng mga tao.
Maninirahan siya sa kanila bilang Diyos nila;
sila'y magiging bayan niya,
at ang Diyos mismo ay makakasama nila at magiging Diyos nila;[a]
4 papahirin (C) niya ang bawat luha sa kanilang mga mata.
Hindi na magkakaroon ng kamatayan;
ni magkakaroon ng pagluluksa at pagtangis, at kahit kirot ay di na rin mararanasan,
sapagkat lumipas na ang mga unang bagay.”
Footnotes
- Pahayag 21:3 Sa ibang manuskrito, walangmagiging Diyos nila.
Revelation 21:2-4
New International Version
2 I saw the Holy City,(A) the new Jerusalem, coming down out of heaven from God,(B) prepared as a bride(C) beautifully dressed for her husband. 3 And I heard a loud voice from the throne saying, “Look! God’s dwelling place is now among the people, and he will dwell with them.(D) They will be his people, and God himself will be with them and be their God.(E) 4 ‘He will wipe every tear from their eyes.(F) There will be no more death’[a](G) or mourning or crying or pain,(H) for the old order of things has passed away.”(I)
Footnotes
- Revelation 21:4 Isaiah 25:8
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.
Holy Bible, New International Version®, NIV® Copyright ©1973, 1978, 1984, 2011 by Biblica, Inc.® Used by permission. All rights reserved worldwide.
NIV Reverse Interlinear Bible: English to Hebrew and English to Greek. Copyright © 2019 by Zondervan.