Pahayag 21:1-3
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
Ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa
21 Pagkatapos nito, nakita ko ang bagong langit at ang bagong lupa. Naglaho na ang dating langit at lupa, pati na rin ang dagat. 2 At nakita ko ang Banal na Lungsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit galing sa Dios. Ang lungsod na iyon ay tulad ng isang babaeng ikakasal. Handang-handa na, at gayak na gayak sa pagsalubong sa lalaking mapapangasawa niya. 3 Narinig ko ang isang malakas na sigaw mula sa trono, “Ngayon, ang tahanan ng Dios ay nasa piling na ng mga tao! Mananahan na siyang kasama nila. Silaʼy magiging mga mamamayan niya. At siyaʼy makakapiling na nila [at magiging Dios nila.]
Read full chapter
Pahayag 21:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa
21 Pagkatapos, (A) nakakita ako ng bagong langit at ng bagong lupa; sapagkat lumipas na ang unang langit at ang unang lupa, at wala na ang dagat. 2 Nakita (B) ko ring bumababa mula sa langit, galing sa Diyos, ang banal na lungsod, ang bagong Jerusalem, inihandang tulad ng isang babaing ikakasal na inayusan para sa kanyang asawa. 3 At (C) mula sa trono, isang malakas na tinig ang aking narinig,
“Masdan ninyo, ang tahanan ng Diyos ay kasama na ng mga tao.
Maninirahan siya sa kanila bilang Diyos nila;
sila'y magiging bayan niya,
at ang Diyos mismo ay makakasama nila at magiging Diyos nila;[a]
Footnotes
- Pahayag 21:3 Sa ibang manuskrito, walangmagiging Diyos nila.
Apocalipsis 21:1-3
Ang Biblia (1978)
21 At nakita ko ang isang bagong langit (A)at ang isang bagong lupa: sapagka't (B)ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
2 At nakita (C)ko (D)ang bayang banal, ang bagong (E)Jerusalem, (F)na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang (G)gaya ng isang babaing kasintahan na (H)nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.
3 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, (I)ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at (J)ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
Read full chapter
Apocalipsis 21:1-3
Ang Biblia, 2001
Ang Bagong Langit at ang Bagong Lupa
21 At(A) nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa; sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na, at ang dagat ay wala na.
2 At(B) nakita ko ang banal na lunsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, na nakahanda na gaya ng isang babaing ikakasal na nagagayakan para sa kanyang asawa.
3 At(C) narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa trono na nagsasabi,
“Masdan ninyo, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao.
Siya'y maninirahang kasama nila,
at sila'y magiging bayan niya.
Ang Diyos mismo ay makakasama nila, at siya'y magiging Diyos nila.[a]
Footnotes
- Apocalipsis 21:3 Sa ibang mga kasulatan ay walang at siya'y magiging Diyos nila .
Pahayag 21:1-3
Ang Dating Biblia (1905)
21 At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa: sapagka't ang unang langit at ang unang lupa ay naparam; at ang dagat ay wala na.
2 At nakita ko ang bayang banal, ang bagong Jerusalem, na nananaog mula sa langit buhat sa Dios, na nahahandang gaya ng isang babaing kasintahan na nagagayakang talaga sa kaniyang asawa.
3 At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa luklukan, na nagsasabi, Narito, ang tabernakulo ng Dios ay nasa mga tao, at siya'y mananahan sa kanila, at sila'y magiging mga bayan niya, at ang Dios din ay sasa kanila, at magiging Dios nila:
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
