Add parallel Print Page Options

Kaya nga, alalahanin mo kung saan ka nahulog. Magsisi ka at gawin mo ang mga gawang ginawa mo noong una. Ngunit kung hindi, papariyan ako agad sa iyo at aalisin ko ang lagayan ng iyong ilawan sa kinakalagyan nito maliban na ikaw ay magsisi. Ngunit nasa iyo ang bagay na ito. Napopoot ka sa mga gawa ng mga Nicolaita. Napopoot din ako sa mga gawa nila.

Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesiya. Sa sinumang magtatagumpay, ibibigay ko sa kaniya ang karapatang kumain sa bunga ng punong-kahoy ng buhay na nasa gitna ng halamanan ng Diyos.

Read full chapter

Kaya alalahanin mo ang kinalalagyan mo bago ka nahulog. Magsisi ka, at muli mong gawin ang mga bagay na ginawa mo noong una. Kung hindi, pupuntahan kita at tatanggalin ko ang iyong ilawan sa kinalalagyan nito, at ito'y kung hindi ka magsisisi. Ngunit ito naman ang mayroon ka: kinamumuhian mo ang mga gawain ng mga Nicolaita, na kinamumuhian ko rin. (A) Makinig ang sinumang may pandinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. Sa sinumang magtagumpay, ibibigay ko sa kanya ang karapatang kumain mula sa puno ng buhay na nasa paraiso ng Diyos.’

Read full chapter