Pahayag 2:27-29
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
26-27 Sapagkat ang mga magtatagumpay at patuloy na sumusunod sa kalooban ko hanggang sa wakas ay bibigyan ko ng kapangyarihang mamahala sa mga bansa, tulad ng kapangyarihang ibinigay sa akin ng aking Ama. Mamamahala sila sa pamamagitan ng kamay na bakal at dudurugin nila ang mga bansa gaya ng pagdurog sa palayok.[a] 28 At ibibigay ko rin sa kanila ang tala sa umaga.[b]
29 “Kayong nakikinig, pag-isipan ninyong mabuti ang sinasabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesya.”
Read full chapter
Pahayag 2:27-29
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
27 upang mamuno sa kanila gamit ang isang pamalong bakal,
upang duruging parang mga pasô—
28 gaya ng pagtanggap ko ng kapangyarihan mula sa aking Ama. Ibibigay ko rin sa kanya ang bituin sa umaga. 29 Makinig ang sinumang may tainga sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
Read full chapter
Apocalipsis 2:27-29
Ang Biblia, 2001
27 at sila'y pangungunahan niya sa pamamagitan ng isang pamalong bakal,
gaya ng pagkadurog ng mga palayok,
28 kung paanong tumanggap din ako ng kapangyarihan mula sa aking Ama; ay ibibigay ko sa kanya ang tala sa umaga.
29 Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
