Apocalipsis 19:20-21
Ang Biblia (1978)
20 At sinunggaban ang hayop, (A)at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda (B)sa harapan nito, na siyang (C)ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito (D)ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre:
21 At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig (E)niyaong nakasakay sa kabayo, at (F)ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila.
Read full chapter
Apocalipsis 19:20-21
Ang Biblia, 2001
20 At(A) hinuli ang halimaw at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinandaya sa mga tumanggap ng tanda ng halimaw at sa mga sumamba sa larawan nito. Ang dalawang ito ay buháy na inihagis sa lawa ng apoy na nagliliyab sa asupre.
21 At ang mga iba ay pinatay ng tabak na lumalabas sa bibig noong nakasakay sa kabayo; at ang lahat ng mga ibon ay nabusog sa mga laman nila.
Read full chapter
Pahayag 19:20-21
Ang Dating Biblia (1905)
20 At sinunggaban ang hayop, at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan nito, na siyang ipinangdaya sa mga nagsitanggap ng tanda ng hayop at sa mga sumamba sa larawan nito: ang dalawang ito ay inihagis na buhay sa dagatdagatang apoy na nagliliyab sa asupre:
21 At ang mga iba ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig niyaong nakasakay sa kabayo, at ang lahat ng mga ibon ay nangabusog ng mga laman nila.
Read full chapter
Pahayag 19:20-21
Ang Salita ng Diyos
20 At nahuli niya ang mabangis na hayop na kasama ang bulaang propeta na siyang gumawa ng mga tanda sa harap niya. Sa pamamagitan nito, nailigaw niya yaong mga tumanggap ng tatak ng mabangis na hayop at yaong mga sumasamba sa kaniyang pangalan. Inihagis niyang buhay ang dalawa sa lawa ng apoy na nagniningas sa asupre. 21 At ang natira ay pinatay ng nakaupo sa kabayo sa pamamagitan ng kaniyang tabak na lumabas mula sa kaniyang bibig. Ang lahat ng mga ibon ay nabusog sa kanilang mga laman.
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
Copyright © 1998 by Bibles International
