Pahayag 13:1-3
Ang Salita ng Diyos
Ang Mabangis na Hayop Mula sa Dagat
13 At ako ay tumayo sa buhanginan sa tabing dagat. Nakita kong umaahon ang isang mabangis na hayop mula sa dagat. Ito ay may pitong ulo at sampung sungay at sa bawat sungay ay may sampung pangharing korona at sa kaniyang korona ay may mapamusong na pangalan.
2 Ang mabangis na hayop na aking nakita ay katulad sa isang leopardo. Ang mga paa nito ay katulad ng mga paa ng oso. Ang bibig nito ay katulad ng mga bibig ng leon. Ibinigay ng dragon ang kaniyang kapangyarihan at isang luklukan at dakilang kapamahalaan sa mabangis na hayop. 3 At nakita ko na ang isa sa mga ulo ay nasugatan na maaring ikamatay. Ang sugat na ikamamatay ay gumaling. At ang lahat ng mga tao ay nanggilalas sa mabangis na hayop at sumunod dito.
Read full chapter
Pahayag 13:1-3
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Dalawang Halimaw
13 At (A) nakita ko ang isang halimaw na umaahon mula sa dagat. Mayroon itong sampung sungay at pitong ulo; at sa mga sungay nito ay may sampung korona, at sa mga ulo nito ay may mga pangalang mapaglapastangan. 2 Tulad (B) ng isang leopardo ang halimaw na nakita ko, ang mga paa nito ay tulad ng sa oso, at ang bibig ay parang sa leon. Ibinigay ng dragon sa halimaw ang kanyang kapangyarihan, ang trono, at ang kanyang malawak na pamamahala. 3 Ang isa sa mga ulo nito ay may malubhang sugat na maaari nitong ikamatay, subalit ito'y gumaling. Namangha ang buong daigdig at sumunod sa halimaw.
Read full chapterCopyright © 1998 by Bibles International
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
