Pahayag 12:2-4
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
2 Kagampan siya at sumisigaw sa hirap at sakit dala ng pagluluwal. 3 May isa (A) pang tandang lumitaw sa langit: isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay, at sa mga ulo niya'y may pitong korona. 4 Kinaladkad (B) ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin ng langit at itinapon ang mga ito sa lupa. Pagkatapos ay tumayo ang dragon sa harap ng babaing malapit nang manganak, upang pagkapanganak ay lamunin ng dragon ang anak nito.
Read full chapter
Apocalipsis 12:2-4
Ang Biblia, 2001
2 siya'y nagdadalang-tao at sumisigaw sa hirap sa panganganak at sa sakit ng pagluluwal.
3 At(A) may isa pang tanda na nakita sa langit: isang malaking pulang dragon na may pitong ulo at sampung sungay, at sa kanyang mga ulo'y may pitong diadema.
4 Kinaladkad(B) ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit at inihagis ang mga ito sa lupa. At tumayo ang dragon sa harapan ng babae na malapit nang manganak, upang lamunin ang anak ng babae pagkapanganak niya.
Read full chapter
Apocalipsis 12:2-4
Ang Biblia (1978)
2 At (A)siya'y nagdadalang tao; at siya'y sumisigaw, na nagdaramdam sa panganganak, at sa hirap upang manganak.
3 At ang ibang tanda ay nakita sa langit: at narito, ang isang malaking (B)dragong mapula, na may pitong ulo at (C)sangpung sungay, at sa kaniyang mga ulo'y may pitong diadema.
4 At kinaladkad ng kaniyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga bituin sa langit, (D)at ipinaghagis sa lupa: at lumagay ang dragon sa harapan ng babaing manganganak na, (E)upang lamunin ang kaniyang anak pagkapanganak niya.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978
