Add parallel Print Page Options

Huwag mo nang isali ang patyo na nasa labas ng templo. Huwag mo na itong sukatin sapagkat ibinigay na ito ng Diyos sa mga Gentil. Yuyurakan nila ang banal na lungsod sa loob nang apatnapu’t dalawang buwan. Bibigyan ko ng kapangyarihan ang dalawang tagapagpatotoo ko. Sila ay maghahayag sa loob ng isang libo at dalawangdaan at animnapung araw. Magsusuot sila ng magaspang na damit. Sila ang dalawang punong olibo at ang dalawang lalagyan ng ilawan. Nakatayo ang mga ito sa harapan ng Diyos ng lupa.

Read full chapter