Add parallel Print Page Options

At ang loobang nasa labas ng templo (A)ay pabayaan mo, at huwag mong sukatin; (B)sapagka't ibinigay sa mga bansa: at kanilang yuyurakang (C)apat na pu't dalawang buwan ang banal na siudad.

At may ipagkakaloob ako sa aking dalawang (D)saksi, at sila'y magsisipanghulang isang libo at dalawang daan at anim na pung araw, na nararamtan ng magagaspang na kayo.

Ang mga ito'y (E)ang dalawang punong olibo (F)at ang dalawang kandelero, na nangakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa.

Read full chapter

Ngunit (A) huwag mong sukatin ang patyo sa labas ng templo; hayaan mo na iyon, sapagkat ipinaubaya iyon sa mga bansa. Kanilang tatapak-tapakan ang mga banal na lungsod sa loob ng apatnapu't dalawang taon. Bibigyan ko ng kapangyarihang magpahayag ng propesiya sa loob ng 1,260 araw ang aking dalawang saksi na nakasuot ng damit panluksa.”

Ang (B) mga saksing ito'y ang dalawang puno ng olibo at dalawang ilawang nakatayo sa harap ng Panginoon ng lupa.

Read full chapter