Add parallel Print Page Options

13 Nang oras ding iyon, lumindol nang napakalakas. Nawasak ang ikasampung bahagi ng lungsod, at 7,000 ang namatay. Natakot ang natirang mga tao, kaya pinuri nila ang Dios sa langit.

14 Natapos na ang ikalawang nakakatakot na pangyayari, ngunit susunod pa ang ikatlo.

Ang Ikapitong Trumpeta

15 Nang patunugin ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, may narinig akong malalakas na tinig mula sa langit na nagsasabi, “Maghahari na ngayon sa buong mundo ang ating Panginoon at ang Cristo na kanyang pinili. At maghahari siya magpakailanman.”

Read full chapter

13 Nang (A) oras ding iyon ay lumindol nang malakas, at nagiba ang ikasampung bahagi ng lungsod. Pitong libong tao ang namatay sa lindol, at ang iba nama'y natakot at nagbigay-papuri sa Diyos ng kalangitan.

14 Naganap na ang ikalawang malagim na pangyayari. Ang ikatlo'y malapit nang maganap.

Ang Ikapitong Trumpeta

15 Pagkatapos, hinipan (B) ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, at sa langit ay narinig ang malalakas na tinig na nagsasabi,

“Ang kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Panginoon
    at ng kanyang Cristo,
at maghahari siya magpakailanman.”

Read full chapter