Pahayag 10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
Ang Anghel at ang Maliit na Balumbon
10 Pagkatapos ay nakita ko ang isa pang makapangyarihang anghel na bumababa mula sa langit. Siya'y nababalutan ng ulap at may bahaghari sa kanyang ulo; ang mukha niya ay tulad ng araw, at ang kanyang mga binti ay parang mga haliging apoy. 2 May hawak siyang maliit na balumbong nakabukas. Itinapak niya sa dagat ang kanyang kanang paa, at sa lupa ang kaliwa. 3 Sumigaw siya nang napakalakas, tulad ng isang leong umaatungal. Pagsigaw niya, dumagundong ang pitong kulog. 4 Pagkatapos ng dagundong, susulat na sana ako, ngunit narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi, “Takpan mo ng tatak ang mga sinabi ng pitong kulog, at huwag mong isulat ang mga ito.” 5 At (A) itinaas ng anghel na nakita kong nakatayo sa dagat at sa lupa ang kanyang kanang kamay sa langit. 6 Sumumpa siya sa kanya na nabubuhay magpakailanman, sa kanya na lumikha ng langit at ng lahat ng naroroon, ng lupa at lahat ng naroroon, at ng dagat at lahat ng naroroon: “Hindi na patatagalin pa, 7 ngunit sa mga araw na hihipan ng ikapitong anghel ang kanyang trumpeta, magaganap ang hiwaga ng Diyos ayon sa inihayag niya sa kanyang mga lingkod na propeta.”
8 At (B) nagsalitang muli ang tinig na narinig ko mula sa langit, “Humayo ka, kunin mo ang bukas na balumbon sa kamay ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa.” 9 Kaya pumunta ako sa anghel at hiningi ko sa kanya ang munting balumbon. Sinabi niya sa akin, “Kunin mo, at kainin mo; mapait ito sa tiyan, subalit sintamis naman ng pulot sa iyong bibig.” 10 Inabot ko ang maliit na balumbon mula sa kamay ng anghel at kinain ito. Kasintamis ito ng pulot, subalit nang makain ko'y pumait ang tiyan ko.
11 At sinabi nila sa akin, “Kailangang magpahayag kang muli ng propesiya tungkol sa maraming bansa, mga lahi, mga wika, at mga hari.”
Pahayag 10
Ang Dating Biblia (1905)
10 At nakita ko ang ibang malakas na anghel na nanaog na mula sa langit, na nabibihisan ng isang alapaap; at ang bahaghari ay nasa kaniyang ulo, at ang kaniyang mukha ay gaya ng araw, at ang kaniyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy;
2 At may isang maliit na aklat na bukas sa kaniyang kamay: at itinungtong ang kaniyang kanang paa sa dagat, at ang kaniyang kaliwa ay sa lupa;
3 At sumigaw ng malakas na tinig, na gaya ng leon na umaangal: at pagkasigaw niya, ay ang pitong kulog ay umugong.
4 At pagkaugong ng pitong kulog, ay isusulat ko sana: at narinig ko ang isang tinig na mula sa langit, na nagsasabi, Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat.
5 At ang anghel na aking nakita na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay itinaas ang kaniyang kanang kamay sa langit,
6 At ipinanumpa yaong nabubuhay magpakailan kailan man, na lumalang ng langit at ng mga bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na naririto, na hindi na magluluwat ang panahon:
7 Kundi sa mga araw ng tinig ng ikapitong anghel, pagka malapit nang siya'y humihip, kung magkagayo'y ganap na ang hiwaga ng Dios, ayon sa mabubuting balita na kaniyang isinaysay sa kaniyang mga alipin na mga propeta.
8 At ang tinig na aking narinig na mula sa langit, ay muling nagsalita sa akin, at nagsabi, Humayo ka, kunin mo ang aklat na bukas na nasa kamay ng anghel na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.
9 At ako'y naparoon sa anghel na nagsabi ako sa kaniya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At kaniyang sinabi sa akin, Kunin mo ito, at ito'y kanin mo; at papapaitin ang iyong tiyan, datapuwa't sa iyong bibig ay magiging matamis na gaya ng pulot.
10 At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng anghel, at aking kinain; at sa aking bibig ay matamis na gaya ng pulot: at nang aking makain, ay pumait ang aking tiyan.
11 At sinasabi nila sa akin, Dapat kang manghulang muli sa maraming mga bayan at mga bansa at mga wika at mga hari.
Revelation 10
King James Version
10 And I saw another mighty angel come down from heaven, clothed with a cloud: and a rainbow was upon his head, and his face was as it were the sun, and his feet as pillars of fire:
2 And he had in his hand a little book open: and he set his right foot upon the sea, and his left foot on the earth,
3 And cried with a loud voice, as when a lion roareth: and when he had cried, seven thunders uttered their voices.
4 And when the seven thunders had uttered their voices, I was about to write: and I heard a voice from heaven saying unto me, Seal up those things which the seven thunders uttered, and write them not.
5 And the angel which I saw stand upon the sea and upon the earth lifted up his hand to heaven,
6 And sware by him that liveth for ever and ever, who created heaven, and the things that therein are, and the earth, and the things that therein are, and the sea, and the things which are therein, that there should be time no longer:
7 But in the days of the voice of the seventh angel, when he shall begin to sound, the mystery of God should be finished, as he hath declared to his servants the prophets.
8 And the voice which I heard from heaven spake unto me again, and said, Go and take the little book which is open in the hand of the angel which standeth upon the sea and upon the earth.
9 And I went unto the angel, and said unto him, Give me the little book. And he said unto me, Take it, and eat it up; and it shall make thy belly bitter, but it shall be in thy mouth sweet as honey.
10 And I took the little book out of the angel's hand, and ate it up; and it was in my mouth sweet as honey: and as soon as I had eaten it, my belly was bitter.
11 And he said unto me, Thou must prophesy again before many peoples, and nations, and tongues, and kings.
Revelation 10
New King James Version
The Mighty Angel with the Little Book
10 I saw still another mighty angel coming down from heaven, clothed with a cloud. (A)And a rainbow was on (B)his head, his face was like the sun, and (C)his feet like pillars of fire. 2 He had a little book open in his hand. (D)And he set his right foot on the sea and his left foot on the land, 3 and cried with a loud voice, as when a lion roars. When he cried out, (E)seven thunders uttered their voices. 4 Now when the seven thunders [a]uttered their voices, I was about to write; but I heard a voice from heaven saying [b]to me, (F)“Seal up the things which the seven thunders uttered, and do not write them.”
5 The angel whom I saw standing on the sea and on the land (G)raised up his [c]hand to heaven 6 and swore by Him who lives forever and ever, (H)who created heaven and the things that are in it, the earth and the things that are in it, and the sea and the things that are in it, (I)that there should be delay no longer, 7 but (J)in the days of the sounding of the seventh angel, when he is about to sound, the mystery of God would be finished, as He declared to His servants the prophets.
John Eats the Little Book
8 Then the voice which I heard from heaven spoke to me again and said, “Go, take the little book which is open in the hand of the angel who stands on the sea and on the earth.”
9 So I went to the angel and said to him, “Give me the little book.”
And he said to me, (K)“Take and eat it; and it will make your stomach bitter, but it will be as sweet as honey in your mouth.”
10 Then I took the little book out of the angel’s hand and ate it, (L)and it was as sweet as honey in my mouth. But when I had eaten it, (M)my stomach became bitter. 11 And [d]he said to me, “You must prophesy again about many peoples, nations, tongues, and kings.”
Footnotes
- Revelation 10:4 NU, M sounded,
- Revelation 10:4 NU, M omit to me
- Revelation 10:5 NU, M right hand
- Revelation 10:11 NU, M they
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
Scripture taken from the New King James Version®. Copyright © 1982 by Thomas Nelson. Used by permission. All rights reserved.

