Pahayag 10:8-10
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
8 Pagkatapos(A) ay kinausap akong muli ng tinig na narinig kong nagsasalita mula sa langit, “Lumapit ka sa anghel na nakatuntong sa dagat at sa lupa, at kunin mo ang hawak niyang aklat na nakabukas.” 9 Nilapitan ko nga ang anghel at hiningi ang aklat. Sinabi niya sa akin, “Kunin mo ito at kainin; mapait iyan sa sikmura, ngunit sa iyong bibig ay kasingtamis ng pulot-pukyutan.” 10 Kinuha ko nga mula sa kamay ng anghel ang maliit na aklat at kinain ko ito. Matamis nga iyon, parang pulot-pukyutan sa bibig, ngunit nang malunok ko na'y pumait ang aking sikmura.
Read full chapter
Pahayag 10:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 At (A) nagsalitang muli ang tinig na narinig ko mula sa langit, “Humayo ka, kunin mo ang bukas na balumbon sa kamay ng anghel na nakatayo sa dagat at sa lupa.” 9 Kaya pumunta ako sa anghel at hiningi ko sa kanya ang munting balumbon. Sinabi niya sa akin, “Kunin mo, at kainin mo; mapait ito sa tiyan, subalit sintamis naman ng pulot sa iyong bibig.” 10 Inabot ko ang maliit na balumbon mula sa kamay ng anghel at kinain ito. Kasintamis ito ng pulot, subalit nang makain ko'y pumait ang tiyan ko.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
