Pahayag 1:8-10
Ang Dating Biblia (1905)
8 Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Dios, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat.
9 Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong karamay sa kapighatian at sa kaharian at sa pagtitiis na kay Jesus, ay nasasa pulo na tinatawag na Patmos, dahil sa salita ng Dios at sa patotoo ni Jesus.
10 Ako'y nasa Espiritu nang araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang dakilang tinig, na tulad sa isang pakakak.
Read full chapter
Pahayag 1:8-10
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
8 “Ako (A) ang Alpha at ang Omega,” ang sabi ng Panginoong Diyos, na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating, ang Makapangyarihan sa lahat.
Pangitain tungkol kay Cristo
9 Akong si Juan, ang inyong kapatid na kabahagi ninyo sa pag-uusig, sa kaharian at sa pagtitiis para kay Jesus, ay nasa pulo na tinatawag na Patmos alang-alang sa salita ng Diyos at pagpapatotoo ni Jesus. 10 Sa araw ng Panginoon, ako ay nasa Espiritu, at narinig ko sa aking likuran ang isang malakas na tinig na parang sa trumpeta
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.