Pahayag 1:7-9
Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible)
7 Magsipaghanda kayo! Darating si Jesus na nasa mga ulap. Makikita siya ng lahat ng tao, pati na ng mga pumatay sa kanya. At iiyak ang mga tao sa lahat ng bansa sa mundo dahil sa takot nilang sila ay parurusahan na niya. Totoo ito at talagang mangyayari.
8 Ang Panginoong Dios ang makapangyarihan sa lahat. Kung ano siya noon, ganoon din siya ngayon at maging sa hinaharap. Kaya sinabi niya, “Ako ang Alpha at ang Omega.”[a]
Nagpakita si Cristo kay Juan
9 Ako si Juan na kapatid ninyo at kasama sa paghihirap, paghahari, at pagtitiis dahil tayo ay nakay Jesus. Itinapon ako sa isla ng Patmos dahil sa pangangaral ko ng salita ng Dios at ng katotohanang itinuro ni Jesus.
Read full chapterFootnotes
- 1:8 Ako ang Alpha at ang Omega: Ang ibig sabihin ni Jesus, siya ang simula at ang katapusan ng lahat. Ang alpha ang unang letra sa alpabetong Griego at ang omega ang huling letra.
Pahayag 1:7-9
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version
7 Tingnan (A) ninyo! Dumarating siyang nasa mga ulap;
makikita siya ng bawat mata,
maging ng mga sumaksak sa kanya,
at tatangis dahil sa kanya ang lahat ng lipi sa daigdig.
Mangyari nawa. Amen.
8 “Ako (B) ang Alpha at ang Omega,” ang sabi ng Panginoong Diyos, na siyang kasalukuyan, nakaraan at siyang darating, ang Makapangyarihan sa lahat.
Pangitain tungkol kay Cristo
9 Akong si Juan, ang inyong kapatid na kabahagi ninyo sa pag-uusig, sa kaharian at sa pagtitiis para kay Jesus, ay nasa pulo na tinatawag na Patmos alang-alang sa salita ng Diyos at pagpapatotoo ni Jesus.
Read full chapterAng Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.