Oseas 9
Ang Biblia (1978)
Ibinababala ang parusa sa pagtanggi ng Israel sa Dios.
9 Huwag kang magalak, Oh Israel sa katuwaan, na gaya ng mga bayan; sapagka't (A)ikaw ay nagpatutot na humihiwalay sa iyong Dios; iyong inibig ang (B)upa sa bawa't giikan.
2 Ang giikan at ang pisaan ng ubas ay hindi magpapakain sa kanila, at ang bagong alak ay magkukulang sa kaniya.
3 Sila'y hindi magsisitahan (C)sa lupain ng Panginoon; kundi ang Ephraim ay (D)babalik sa Egipto, (E)at sila'y magsisikain ng maruming pagkain sa Asiria.
4 Hindi nila ipagbubuhos ng alak ang Panginoon, ni makalulugod man sa kaniya: ang kanilang mga hain ay magiging sa kanila'y parang (F)tinapay ng nangagluksa; (G)lahat ng magsikain niyaon ay mangapapahamak; sapagka't ang kanilang tinapay ay parang sa kanilang ipagkakagana; hindi papasok sa bahay ng Panginoon.
5 Ano ang inyong gagawin sa kaarawan ng takdang kapulungan, at sa kaarawan ng kapistahan ng Panginoon?
6 Sapagka't, narito, sila'y nagsialis sa kagibaan, gayon ma'y pipisanin sila ng Egipto, sila'y ililibing ng (H)Memphis; ang kanilang maligayang mga bagay na pilak ay aariin ng dawag; mga tinik ang sasa kanilang mga tolda.
7 Ang mga kaarawan ng pagdalaw ay dumating, ang mga kaarawan ng kagantihan ay dumating; malalaman ng Israel: ang propeta ay mangmang, ang lalake na may espiritu ay (I)ulol, dahil sa karamihan ng iyong kasamaan, at sapagka't ang poot ay malaki.
8 Ang Ephraim ay (J)bantay na kasama ng aking Dios: tungkol sa propeta, ay silo ng manghuhuli sa lahat ng kaniyang lansangan, at pagkakaalit ay nasa bahay ng kaniyang Dios.
9 Sila'y nangagpapahamak na mainam, na gaya ng mga kaarawan ng (K)Gabaa: kaniyang aalalahanin ang kanilang kasamaan, kaniyang dadalawin ang kanilang mga kasalanan.
10 Aking nasumpungan ang Israel na parang ubas sa ilang; aking nakita ang inyong mga magulang na parang unang (L)bunga sa puno ng higos sa kaniyang unang kapanahunan: nguni't sila'y nagsiparoon kay (M)Baalpeor, at nangagsitalaga sa mahalay na bagay, at naging kasuklamsuklam na gaya ng kanilang iniibig.
11 Tungkol sa Ephraim, (N)ang kanilang kaluwalhatian ay lilipad na parang ibon; mawawalan ng panganganak, at walang magdadalang tao, at walang paglilihi.
12 Bagaman (O)kanilang pinalalaki ang kanilang mga anak, gayon ma`y aking babawaan sila, na walang tao; oo, sa aba nila pagka ako'y humiwalay sa kanila!
13 Ang Ephraim, (P)gaya ng aking makita ang Tiro, ay natatanim sa isang masayang dako: nguni't ilalabas ng Ephraim ang kaniyang mga anak sa tagapatay.
14 Bigyan mo sila, Oh Panginoon—anong iyong ibibigay? bigyan mo sila ng mga bahay-batang maaagasan at mga tuyong suso.
15 Lahat nilang kasamaan ay (Q)nasa Gilgal; sapagka't doo'y kinapootan ko sila; dahil sa kasamaan ng kanilang mga gawa, akin silang palalayasin sa aking bahay; hindi ko na sila iibigin; lahat nilang prinsipe ay mapagsalangsang.
16 Ang Ephraim ay nasaktan, ang kaniyang ugat ay natuyo, sila'y hindi mangagbubunga: oo, bagaman sila'y nanganak, gayon ma'y aking papatayin ang minamahal na bunga ng kanilang bahay-bata.
17 Itatakuwil sila ng aking Dios, sapagka't hindi nila dininig siya; at (R)sila'y magiging mga gala sa gitna ng mga bansa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978