Add parallel Print Page Options

Ang asawa ni Oseas at ang mga anak sa ligaw.

Ang salita ng Panginoon na dumating kay Oseas na anak ni Beeri, (A)nang mga kaarawan ni Uzias, ni Jotam, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni (B)Jeroboam na anak ni Joas, na hari sa Israel.

Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Oseas, sinabi ng Panginoon kay Oseas, Yumaon ka, magasawa ka sa isang patutot at mga anak sa patutot; sapagka't (C)ang lupain ay gumagawa ng malaking pagpapatutot, na humihiwalay sa Panginoon.

Sa gayo'y yumaon siya, at kinuha niya si Gomer na anak ni Diblaim; at siya'y naglihi, at nanganak sa kaniya ng isang lalake.

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Jezreel; sapagka't sangdali pa at (D)aking igaganti ang dugo ng Jezreel sa sangbahayan ni Jehu, (E)at aking papaglilikatin ang kaharian ng sangbahayan ni Israel.

At mangyayari (F)sa araw na yaon, na aking babaliin ang busog ng Israel sa libis ng Jezreel.

At siya'y naglihi uli, at nanganak ng isang babae. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Lo-ruhama;[a] (G)sapagka't hindi na ako magdadalang habag sa sangbahayan ni Israel, na sa anoman ay hindi ko patatawarin sila.

Nguni't (H)ako'y maaawa sa sangbahayan ni Juda, at ililigtas ko sila sa pamamagitan ng Panginoon nilang Dios, at (I)hindi ko ililigtas sila sa pamamagitan ng busog, o sa pamamagitan man ng tabak, o sa pamamagitan man ng pagbabaka, o sa pamamagitan man ng mga kabayo, o sa pamamagitan man ng mga mangangabayo.

Nang maihiwalay nga niya sa suso ni Lo-ruhama, siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalake.

At sinabi ng Panginoon, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Loammi;[b] sapagka't kayo'y hindi aking bayan, at ako'y hindi magiging inyong Dios.

Ang muling pagkatatag ng Israel at Juda.

10 Gayon ma'y ang bilang ng mga anak ni Israel ay (J)magiging parang buhangin sa dagat na hindi matatakal, o mabibilang man; (K)at mangyayari, na sa dakong pagsabihan sa kanila, Kayo'y hindi aking bayan, sasabihin sa kanila, Kayo'y mga (L)anak ng buháy na (M)Dios.

11 (N)At ang mga anak ni Juda, at ang mga anak ni Israel ay mapipisan, at sila'y mangaghahalal sa kanilang sarili ng isang pangulo, at sila'y magsisisampa mula sa lupain; sapagka't magiging dakila ang kaarawan ng (O)Jezreel.

Footnotes

  1. Oseas 1:6 Sa makatuwid baga'y Ang di kinahabagan.
  2. Oseas 1:9 Di ko bayan.