Font Size
Nehemias 9:29-31
Magandang Balita Biblia
Nehemias 9:29-31
Magandang Balita Biblia
29 Binabalaan(A) mo silang manumbalik sa iyong Kautusan,
ngunit sa kanilang kapalalua'y lalo nilang nilabag ito.
Kahit na ang Kautusan mo ay nagbibigay-buhay,
sa katigasan ng kanilang ulo'y sinuway nila iyon.
30 Maraming(B) taon na pinagtiisan mo sila,
at binalaan ng iyong Espiritu[a] sa pamamagitan ng mga propeta,
ngunit hindi pa rin sila nakinig.
Kaya't ipinasakop mo na naman sila sa mga dayuhan.
31 Ngunit dahil sa iyong labis na kahabagan,
hindi mo rin sila ganap na nilipol at itinakwil.
Ikaw ay mapagpatawad at mahabaging Diyos!
Footnotes
- Nehemias 9:30 Espiritu: o kaya'y kapangyarihan .
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.