Add parallel Print Page Options

24 Sa gayo'y ang mga anak ay pumasok at inari ang lupain, at iyong pinasuko sa harap nila ang mga mananahan sa lupain, ang mga Cananeo, at ibinigay mo sa kanilang mga kamay, pati ng kanilang mga hari, at ang mga bayan ng lupain, upang magawa nila sa kanila kung ano ang kanilang ibigin.

25 At sila'y nagsisakop ng mga bayan na nakukutaan, at ng matabang (A)lupain, at nangagari ng mga (B)bahay na puno ng lahat na mabubuting bagay, ng mga balon na hinukay, ng mga ubasan, at ng mga olibohan, at ng mga punong kahoy na may bungang sagana: na anopa't sila'y nagsikain, at nangabusog, at naging mataba, at nangaaliw sa iyong malaking kagandahang loob.

Ang panalangin ng mga Levita sa pagtatapat ng kanilang pang-bansang kasalanan.

26 Gayon ma'y naging manunuway sila at nanghimagsik laban sa iyo, (C)at tinalikdan ang iyong kautusan, at pinatay ang (D)iyong mga propeta na nangagpatotoo laban sa kanila na sila'y magsipanumbalik sa iyo, at sila'y nagsigawa ng malaking pamumungkahi.

Read full chapter