Add parallel Print Page Options

Tiyak na ang iyong pagkawasak!

    Lunsod ng mga sinungaling at mamamatay-tao,
    puno ng kayamanang mananakaw at masasamsam.
Lumalagapak ang mga latigo,
    dumadagundong ang mga gulong,
    humahagibis ang mga kabayo,
    rumaragasa ang mga karwahe!
Sumusugod ang mga mangangabayo,
    kumikinang ang kanilang espada, kumikislap ang dulo ng sibat!
Nakabunton ang mga bangkay,
    di mabilang ang mga patay,
    sa mga ito'y natatalisod ang mga nagdaraan!
Ang Nineve ay katulad ng isang mahalay na babae,
    mapanukso at puno ng kamandag.
Binighani niya ang ibang mga bansa at inalipin ang mga ito.

Sinabi ni Yahweh na Makapangyarihan sa lahat,
“Paparusahan kita, Nineve!
    Huhubaran kita nang makita ka ng ibang mga bansa.
    Dahil dito'y mapapahiya ka.
Tatabunan kita ng dumi,
    at gagawing hamak.
    Mandidiri sa iyo ang mga tao.
Lalayuan ka ng lahat ng makakakita sa iyo.
    Sasabihin nila, ‘Wasak na ang Nineve!
    Sino ang magmamalasakit sa kanya?
    Sino ang aaliw sa kanya?’”

Hindi Maipagtatanggol ng Nineve ang Kanyang Sarili

Nakahihigit ka ba sa Tebez?
Siya rin naman ay may ilog
    na nakapalibot gaya ng isang pader,
    ang Ilog Nilo na kanyang tanggulan.
Pinangunahan niya ang Etiopia[a] at Egipto,
    walang hanggan ang kanyang kapangyarihan;
    ang Libya ay kapanalig ng Tebez.
10 Gayunma'y dinala siyang bihag ng kanyang kaaway.
Ipinaghampasan sa mga panulukang daan ang kanilang mga anak.
Ginapos ng tanikala ang magigiting nilang lalaki,
    at ang mga ito'y pinaghati-hatian ng mga bumihag sa kanila.
11 Nineve, ikaw man ay malalasing at mahihilo.
    Sisikapin mo ring tumakas sa iyong mga kaaway.
12 Ang lahat ng iyong kuta ay magiging parang mga puno ng igos
    na hinog na ang mga bunga.
Kapag inuga ang mga puno, malalaglag ang mga bunga
    sa mismong bibig ng gustong kumain.
13 Parang mga babae ang iyong mga hukbo,
    at ang iyong bansa ay hindi kayang magtanggol laban sa kaaway.
Lalamunin ng apoy ang mga panara sa iyong mga pintuan.
14 Mag-ipon ka na ng tubig para sa panahon ng pagkubkob sa iyo.
    Tibayan mo ang iyong mga tanggulan.
Simulan mo na ang pagmamasa ng luwad,
    at hulmahin ang mga tisa.
15 Anuman ang gawin mo, matutupok ka pa rin
    at mamamatay sa labanan.
    Malilipol ka tulad ng pananim na kinain ng mga balang.
Magpakarami kang gaya ng mga balang!
16 Pinarami mo ang iyong mangangalakal;
    higit pa sila sa mga bituin sa kalangitan!
Ngunit wala na sila ngayon,
    tulad ng mga balang na nagbubuka ng kanilang mga pakpak upang lumipad palayo.
17 Ang mga pinuno mo ay parang mga balang,
    na nakadapo sa mga pader kung malamig ang panahon,
ngunit nagliliparan pagsikat ng araw,
    at walang nakakaalam kung saan sila pupunta.

18 Ang mga pinuno mo'y patay na, Asiria, gayon din ang iyong mga maharlika. Nagkalat sa parang ang iyong mamamayan at walang magtipon sa kanila. 19 Wala man lang gumamot sa iyong sugat na malubha at nagnanaknak. Lahat ng makabalita sa sinapit mo ay natutuwa't pumapalakpak, sapagkat ginawan mo silang lahat nang napakasama.

Footnotes

  1. Nahum 3:9 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.

Ang pagkaguho ng Ninive ay itinakda.

Sa aba ng mabagsik na bayan! siya'y puspos na lubos ng kabulaanan at mga agaw; (A)ang panghuhuli ay hindi tumitigil.

Ang higing ng panghagupit, at ang (B)hugong ng pihit ng mga gulong, at ng mga madambang kabayo, at ng lukso ng mga karo,

Ang sakay ng mga mangangabayo, at ang kinang ng tabak; at ang kislap ng sibat, at isang karamihan na patay, ay malaking bunton ng mga bangkay, at walang katapusang mga bangkay; sila'y nangatitisod sa kanilang mga bangkay;—

Dahil sa karamihan ng pagpapatutot ng minagandang patutot, na (C)panguna ng pangeenkanto, na nagbibili ng mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang pagpapatutot, at ng mga angkan sa pamamagitan ng kaniyang mga pangeenkanto.

(D)Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking ilililis ang iyong laylayan sa harap mo; at (E)aking ipakikita sa mga bansa ang iyong kahubaran, at sa mga kaharian ang iyong kahihiyan.

At aking ihahagis sa iyo ang kasuklamsuklam na karumihan, at gagawin kitang hamak, at ilalagay kitang pinakakutya.

At mangyayari, na ang lahat na mangakakakita sa iyo, ay iilag sa iyo, at mangagsasabi, Ang Ninive ay nahahandusay na sira: sinong mananaghoy sa kaniya? saan ako hahanap ng mga mangaaliw sa iyo?

Ikaw baga'y mabuti pa sa Noamon, (F)na natatayo sa gitna ng mga ilog, na may tubig sa palibot niya; na ang katibaya'y ang dagat, at ang kaniyang kuta ay nasa dagat?

Etiopia at Egipto ang kaniyang mga naging katibayan, at walang hanggan; (G)Phut at (H)Lubim ang iyong mga naging katulong.

10 Gayon ma'y siya'y nadala, siya'y pumasok sa pagkabihag; ang kaniyang mga anak naman ay pinagputolputol sa dulo ng lahat ng mga lansangan; at pinagsapalaran ang kaniyang mga marangal na tao, at ang lahat niyang mahal na tao ay nangasabiran ng mga tanikala.

11 Ikaw naman ay malalango; ikaw ay matatago; ikaw rin naman ay hahanap ng katibayan dahil sa kaaway.

12 Lahat ng iyong kuta ay magiging parang puno ng igos, na may unang hinog na mga igos: kung mga ugugin, nangalalaglag sa bibig ng kumakain.

13 Narito, ang (I)iyong mga tao sa gitna mo ay mga babae; ang mga pintuang-bayan ng iyong lupain ay nangabubukas ng maluwang sa iyong mga kaaway: nilamon ng apoy ang iyong mga halang.

14 (J)Umigib ka ng tubig sa pagkakubkob; (K)tibayan mo ang iyong mga katibayan; pumasok ka sa putikan, at yapakan mo ang argamasa, tibayan mo ang hurno ng ladrillo.

15 Doon ka sasakmalin ng apoy; ihihiwalay ka ng tabak; sasakmalin kang parang uod: magpakarami kang gaya ng uod: magpakarami kang gaya ng balang.

16 Iyong pinarami ang iyong mga (L)mangangalakal kay sa mga bituin sa langit: ang uod ay sumasamsam, at lumilipad.

17 Ang iyong mga prinsipe ay parang mga balang, at ang iyong mga pinuno ay parang kawan ng lukton, na nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na malamig, nguni't pagka ang araw ay sumikat sila'y nagsisilipad, at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon.

18 Ang iyong mga pastor ay (M)nangatutulog, Oh (N)hari sa Asiria; ang iyong mga bayani ay nangagpapahinga; ang iyong bayan ay nangangalat sa mga bundok, at walang magpisan sa kanila.

19 Walang kagamutan sa iyong sakit: ang iyong sugat ay malubha: lahat na (O)makabalita sa iyo ay (P)nagsisipakpak ng kamay dahil sa iyo; sapagka't (Q)sinong hindi nadaanan ng iyong kasamaan?

Sa aba ng mabagsik na bayan! siya'y puspos na lubos ng kabulaanan at mga agaw; ang panghuhuli ay hindi tumitigil.

Ang higing ng panghagupit, at ang hugong ng pihit ng mga gulong, at ng mga madambang kabayo, at ng lukso ng mga karo,

Ang sakay ng mga mangangabayo, at ang kinang ng tabak; at ang kislap ng sibat, at isang karamihan na patay, ay malaking bunton ng mga bangkay, at walang katapusang mga bangkay; sila'y nangatitisod sa kanilang mga bangkay;

Dahil sa karamihan ng pagpapatutot ng minagandang patutot, na panguna ng pangeenkanto, na nagbibili ng mga bansa sa pamamagitan ng kaniyang pagpapatutot, at ng mga angkan sa pamamagitan ng kaniyang mga pangeenkanto.

Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking ilililis ang iyong laylayan sa harap mo; at aking ipakikita sa mga bansa ang iyong kahubaran, at sa mga kaharian ang iyong kahihiyan.

At aking ihahagis sa iyo ang kasuklamsuklam na karumihan, at gagawin kitang hamak, at ilalagay kitang pinakakutya.

At mangyayari, na ang lahat na mangakakakita sa iyo, ay iilag sa iyo, at mangagsasabi, Ang Ninive ay nahahandusay na sira: sinong mananaghoy sa kaniya? saan ako hahanap ng mga mangaaliw sa iyo?

Ikaw baga'y mabuti pa sa Noamon, na natatayo sa gitna ng mga ilog, na may tubig sa palibot niya; na ang katibaya'y ang dagat, at ang kaniyang kuta ay nasa dagat?

Etiopia at Egipto ang kaniyang mga naging katibayan, at walang hanggan; Phut at Lubim ang iyong mga naging katulong.

10 Gayon ma'y siya'y nadala, siya'y pumasok sa pagkabihag; ang kaniyang mga anak naman ay pinagputolputol sa dulo ng lahat ng mga lansangan; at pinagsapalaran ang kaniyang mga marangal na tao, at ang lahat niyang mahal na tao ay nangasabiran ng mga tanikala.

11 Ikaw naman ay malalango; ikaw ay matatago; ikaw rin naman ay hahanap ng katibayan dahil sa kaaway.

12 Lahat ng iyong kuta ay magiging parang puno ng igos, na may unang hinog na mga igos: kung mga ugugin, nangalalaglag sa bibig ng kumakain.

13 Narito, ang iyong mga tao sa gitna mo ay mga babae; ang mga pintuang-bayan ng iyong lupain ay nangabubukas ng maluwang sa iyong mga kaaway: nilamon ng apoy ang iyong mga halang.

14 Umigib ka ng tubig sa pagkakubkob; tibayan mo ang iyong mga katibayan; pumasok ka sa putikan, at yapakan mo ang argamasa, tibayan mo ang hurno ng ladrillo.

15 Doon ka sasakmalin ng apoy; ihihiwalay ka ng tabak; sasakmalin kang parang uod: magpakarami kang gaya ng uod: magpakarami kang gaya ng balang.

16 Iyong pinarami ang iyong mga mangangalakal kay sa mga bituin sa langit: ang uod ay sumasamsam, at lumilipad.

17 Ang iyong mga prinsipe ay parang mga balang, at ang iyong mga pinuno ay parang kawan ng lukton, na nagsisihimpil sa mga bakod sa araw na malamig, nguni't pagka ang araw ay sumikat sila'y nagsisilipad, at ang kanilang dako ay hindi alam kung saan sila nangandoon.

18 Ang iyong mga pastor ay nangatutulog, Oh hari sa Asiria; ang iyong mga bayani ay nangagpapahinga; ang iyong bayan ay nangangalat sa mga bundok, at walang magpisan sa kanila.

19 Walang kagamutan sa iyong sakit: ang iyong sugat ay malubha: lahat na makabalita sa iyo ay nagsisipakpak ng kamay dahil sa iyo; sapagka't sinong hindi nadaanan ng iyong kasamaan?

Woe to Nineveh

Woe to the city of blood,(A)
    full of lies,(B)
full of plunder,
    never without victims!
The crack of whips,
    the clatter of wheels,
galloping horses
    and jolting chariots!
Charging cavalry,
    flashing swords
    and glittering spears!
Many casualties,
    piles of dead,
bodies without number,
    people stumbling over the corpses(C)
all because of the wanton lust of a prostitute,
    alluring, the mistress of sorceries,(D)
who enslaved nations by her prostitution(E)
    and peoples by her witchcraft.

“I am against(F) you,” declares the Lord Almighty.
    “I will lift your skirts(G) over your face.
I will show the nations your nakedness(H)
    and the kingdoms your shame.
I will pelt you with filth,(I)
    I will treat you with contempt(J)
    and make you a spectacle.(K)
All who see you will flee(L) from you and say,
    ‘Nineveh(M) is in ruins(N)—who will mourn for her?’(O)
    Where can I find anyone to comfort(P) you?”

Are you better than(Q) Thebes,(R)
    situated on the Nile,(S)
    with water around her?
The river was her defense,
    the waters her wall.
Cush[a](T) and Egypt were her boundless strength;
    Put(U) and Libya(V) were among her allies.
10 Yet she was taken captive(W)
    and went into exile.
Her infants were dashed(X) to pieces
    at every street corner.
Lots(Y) were cast for her nobles,
    and all her great men were put in chains.(Z)
11 You too will become drunk;(AA)
    you will go into hiding(AB)
    and seek refuge from the enemy.

12 All your fortresses are like fig trees
    with their first ripe fruit;(AC)
when they are shaken,
    the figs(AD) fall into the mouth of the eater.
13 Look at your troops—
    they are all weaklings.(AE)
The gates(AF) of your land
    are wide open to your enemies;
    fire has consumed the bars of your gates.(AG)

14 Draw water for the siege,(AH)
    strengthen your defenses!(AI)
Work the clay,
    tread the mortar,
    repair the brickwork!
15 There the fire(AJ) will consume you;
    the sword(AK) will cut you down—
    they will devour you like a swarm of locusts.
Multiply like grasshoppers,
    multiply like locusts!(AL)
16 You have increased the number of your merchants
    till they are more numerous than the stars in the sky,
but like locusts(AM) they strip the land
    and then fly away.
17 Your guards are like locusts,(AN)
    your officials like swarms of locusts
    that settle in the walls on a cold day—
but when the sun appears they fly away,
    and no one knows where.

18 King of Assyria, your shepherds[b] slumber;(AO)
    your nobles lie down to rest.(AP)
Your people are scattered(AQ) on the mountains
    with no one to gather them.
19 Nothing can heal you;(AR)
    your wound is fatal.
All who hear the news about you
    clap their hands(AS) at your fall,
for who has not felt
    your endless cruelty?(AT)

Footnotes

  1. Nahum 3:9 That is, the upper Nile region
  2. Nahum 3:18 That is, rulers