Add parallel Print Page Options

Sa aba ng matatakaw na mapagpahirap.

Sa aba nila na humahaka ng kasamaan, at (A)nagsisigawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan! pagliliwanag sa umaga, ay kanilang isinasagawa, sapagka't nasa kapangyarihan ng kanilang kamay.

At sila'y nangagiimbot ng mga bukid, (B)at kanilang inaangkin; at ng mga bahay, at inaalis: at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan, ang tao, at ang kaniyang mana.

Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, laban sa angkang ito ay humahaka (C)ako ng isang kasamaan na doo'y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg, ni makalalakad man ng kahambugan; sapagka't isang masamang panahon.

Read full chapter
'Mikas 2:1-3' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Parurusahan ng Panginoon ang Gumigipit sa mga Dukha

Nakakaawa kayong nagpupuyat sa pagpaplano ng masama. Kinaumagahan ay isinasagawa ninyo ang inyong planong masama dahil may kakayahan kayong gawin iyon. Inaagaw ninyo ang mga bukid at mga bahay na inyong nagugustuhan. Dinadaya ninyo ang mga tao para makuha ninyo ang kanilang bahay o lupaing minana. Kaya ito ang sinasabi ng Panginoon sa inyo, “Makinig kayo! Pinaplano kong parusahan kayo at hindi kayo makakaligtas. Hindi na kayo makapagmamalaki dahil sa panahong iyon ay lilipulin kayo.

Read full chapter

Ang Kapalaran ng mga Umaapi sa mga Dukha

Kahabag-habag sila na nagbabalak ng kasamaan,
    at gumagawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan!
Kapag dumating ang umaga, ay ginagawa nila ito,
    sapagkat ito'y nasa kapangyarihan ng kanilang kamay.
Sila'y nag-iimbot ng mga bukid, at kanilang kinakamkam;
    at ng mga bahay at kanilang kinukuha;
at kanilang inaapi ang isang tao at ang kanyang sambahayan,
    ang tao at ang kanyang mana.
Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon:
Laban sa angkang ito ay nagbabalak ako ng kasamaan
    na doo'y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg,
ni makalalakad man na may kahambugan;
    sapagkat iyon ay magiging isang masamang panahon.

Read full chapter