Mga Panaghoy 1:8-10
Ang Biblia, 2001
8 Ang Jerusalem ay nagkasala nang mabigat,
kaya't siya'y naging isang maruming bagay;
lahat ng nagparangal sa kanya ay humahamak sa kanya,
sapagkat kanilang nakita ang kanyang kahubaran.
Oo, siya'y dumaraing
at tumatalikod.
9 Ang kanyang karumihan ay nasa kanyang mga damit;
hindi niya inalintana ang kanyang wakas;
kaya't ang kanyang pagbagsak ay malagim,
siya'y walang mang-aaliw.
“O Panginoon, masdan mo ang aking pagdadalamhati;
sapagkat ang kaaway ay nagmamalaki!”
10 Iniunat ng kaaway ang kanyang kamay
sa lahat ng kanyang mahahalagang bagay.
Oo, nakita niyang sinakop ng mga bansa
ang kanyang santuwaryo,
yaong mga pinagbawalan mong pumasok
sa iyong kapulungan.
Panaghoy 1:8-10
Ang Dating Biblia (1905)
8 Ang Jerusalem ay lubhang nagkasala; kaya't siya'y naging parang maruming bagay; lahat ng nangagparangal sa kaniya ay humahamak sa kaniya, sapagka't kanilang nakita ang kaniyang kahubaran: Oo, siya'y nagbubuntong-hininga, at tumatalikod.
9 Ang kaniyang karumihan ay nasa kaniyang mga laylayan; hindi niya naalaala ang kaniyang huling wakas; kaya't siya'y nababa ng katakataka; siya'y walang mangaaliw; masdan mo, Oh Panginoon, ang aking pagdadalamhati; sapagka't ang kaaway ay nagmalaki.
10 Iginawad ng kalaban ang kaniyang kamay sa lahat niyang maligayang bagay; sapagka't nakita niya na ang mga bansa ay pumasok sa kaniyang santuario, yaong mga inutusan mo na huwag magsipasok sa iyong kapisanan.
Read full chapterAng Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.
