Print Page Options

Ang Kahalagahan ng Karunungan

Aking anak, ang mga pangaral ko ay dinggin mo,
    at ang aking mga utos, ingatan nga at sundin mo.
Ang pakinig mo'y ibaling sa wastong karunungan,
    at ito ay isipin nang iyong maunawaan.
Pagsikapan mong hanapin ang tunay na kaalaman,
    pang-unawa'y pilitin mong makita at masumpungan.
Kung ito ay parang pilak na iyong hahanapin,
    at tulad ng ginto, na iyong miminahin,
malalaman mo kung ano ang kahulugan ng paggalang at pagsunod kay Yahweh,
    at matatamo ang kaalaman tungkol sa Diyos.
Sapagkat(A) si Yahweh ang nagkakaloob ng karunungan,
    sa bibig niya ang kaalaman at unawa'y bumubukal.
Bibigyan niya ng unawa ang matuwid ang pamumuhay,
    at ang taong matapat ay kanyang iingatan.
Binabantayan niya ang daan ng katarungan,
    at ang lakad ng lingkod niya'y kanyang sinusubaybayan.
Kaya nga, iyong mauunawaan ang katuwiran at katarungan,
    at iyong susundan ang landas ng kabutihan.
10 Lalawak ang karunungang matatanim sa isipan,
    madadama ang kasiyahang dulot nitong kaalaman.
11 Ang natamong kaalaman sa iyo ay mag-iingat,
    ang unawa'y maglilihis sa liku-likong landas.
12 Ilalayo ka nito sa masamang pamumuhay,
    at doon sa mga taong ang nais ay kaguluhan;
13 ilalayo ka rin nito sa mga tampalasan,
    na ang landas na pinili ay landas ng kadiliman,
14 mga taong ang hilig ay paggawa ng kasamaan,
    ang kanilang kasiyaha'y pawang walang kabuluhan.
15 Sa ugaling taglay nila'y di sila maaasahan,
    sila ay hindi tapat, hindi mapagkakatiwalaan.

16 Malalayo ka sa babaing mahalay,
    at sa kanyang pang-aakit ay hindi ka maaakay.
17 Siya ay babaing hindi tapat sa asawa;
    ang sumpaan sa altar ay binaliwala niya.
18 Kaya naman ang landas niya'y patungo sa kamatayan,
    at ang kanyang buhay ay tungo sa kawakasan.
19 Sinumang maakit niya ay tuluyang natatangay,
    at hindi na makakabalik sa maayos na pamumuhay.

20 Kaya nga, tahakin mo ang landas ng kabutihan,
    huwag itong hiwalayan hanggang hininga ay mapatid.
21 Pagkat ang mabuting tao'y magtatagal sa daigdig,
    ang may buhay na matapat ay hindi matitinag.
22 Ngunit ang masama sa lupai'y mawawala,
    bubunutin pati ugat ng lahat ng mandaraya.

Ang babala ng karunungan laban sa mga napopoot sa kaniya.

Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita,
(A)At tataglayin mo ang aking mga utos;
Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan,
At ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa;
Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay,
At itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;
(B)Kung iyong hahanapin siya na parang pilak,
At sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.
Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon,
At masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.
Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan,
Sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:
Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan,
(C)Siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat;
Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan,
At (D)maingatan ang daan ng kaniyang mga banal.
Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan,
At ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas.
10 Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso,
At kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa;
11 Kabaitan ay magbabantay sa iyo,
Pagkaunawa ay magiingat sa iyo:
12 Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan,
Sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay;
13 Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran,
(E)Upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman;
14 Na (F)nangagagalak na magsigawa ng kasamaan,
At (G)nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan,
15 Na mga liko sa kanilang mga lakad,
At mga suwail sa kanilang mga landas:
16 (H)Upang iligtas ka sa masamang babae,
Sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita;
17 (I)Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan,
At lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios:
18 Sapagka't ang (J)kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan,
At ang kaniyang mga landas na sa patay:
19 Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli,
Ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay:
20 Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao,
At maingatan ang mga landas ng matuwid.
21 (K)Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain,
At ang sakdal ay mamamalagi roon.
22 (L)Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain,
At silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot.

Ang Gantimpala ng Karunungan

Anak ko, kung ang mga salita ko'y iyong tatanggapin,
    at mga utos ko sa iyo ay iyong pagyayamanin,
ikiling mo sa karunungan ang iyong pandinig,
    at sa pang-unawa ang puso mo'y ihilig.
Kung ikaw ay sumigaw upang makaalam,
    at itinaas ang iyong tinig upang makaunawa,
kung kagaya ng pilak, ito'y iyong hahanapin,
    at tulad ng nakatagong kayamanan, ito'y sasaliksikin,
kung magkagayo'y ang takot sa Panginoon ay iyong mauunawaan,
    at ang kaalaman sa Diyos ay iyong matatagpuan.
Sapagkat ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan,
    sa kanyang bibig nagmumula ang kaalaman at kaunawaan.
Pinaglalaanan niya ang matuwid ng magaling na karunungan,
    siya'y kalasag sa mga lumalakad na may katapatan,
upang mabantayan niya ang mga landas ng katarungan,
    at maingatan ang daan ng kanyang mga banal.
Kung magkagayo'y mauunawaan mo ang katuwiran,
    ang katarungan at ang katapatan, bawat mabuting daan.
10 Sapagkat papasok sa iyong puso ang karunungan,
    at magiging kaaya-aya sa iyong kaluluwa ang kaalaman.
11 Ang mabuting pagpapasiya ang magbabantay sa iyo,
    ang pagkaunawa ang mag-iingat sa iyo.
12 Ililigtas ka nito sa daan ng kasamaan,
    mula sa mga taong nagsasalita ng masasamang bagay;
13 na nagpapabaya sa mga landas ng katuwiran,
    upang lumakad sa mga daan ng kadiliman;
14 na nagagalak sa paggawa ng kasamaan,
    at sa mga kalikuan ng kasamaan ay nasisiyahan;
15 na mga lihis sa kanilang mga lakad,
    at mga suwail sa kanilang mga landas.
16 Sa masamang babae ikaw ay maliligtas,
    mula sa mapakiapid at sa mga salita niyang binibigkas,
17 na nagpapabaya sa kasamahan ng kanyang kabataan,
    at ang tipan ng kanyang Diyos ay kanyang kinalilimutan;
18 sapagkat ang kanyang bahay ay lumulubog sa kamatayan,
    at ang kanyang mga landas tungo sa mga kadiliman;
19 walang naparoroon sa kanya na nakakabalik muli,
    ni ang mga landas ng buhay ay kanilang nababawi.
20 Kaya't ang lakad ng mabubuting tao ang iyong lakaran,
    at ang mga landas ng matuwid ang iyong pakaingatan.
21 Sapagkat ang matuwid sa lupain ay mamamalagi,
    at ang walang sala doon ay mananatili.
22 Ngunit ang masama ay tatanggalin sa lupain,
    at ang mga taksil doon ay bubunutin.

Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, at tataglayin mo ang aking mga utos;

Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan, at ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa;

Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;

Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.

Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.

Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:

Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan, siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat;

Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan, at maingatan ang daan ng kaniyang mga banal.

Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan, at ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas.

10 Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso, at kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa;

11 Kabaitan ay magbabantay sa iyo, pagkaunawa ay magiingat sa iyo:

12 Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay;

13 Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran, upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman;

14 Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan, at nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan,

15 Na mga liko sa kanilang mga lakad, at mga suwail sa kanilang mga landas:

16 Upang iligtas ka sa masamang babae, sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita;

17 Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios:

18 Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, at ang kaniyang mga landas na sa patay:

19 Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay:

20 Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, at maingatan ang mga landas ng matuwid.

21 Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain, at ang sakdal ay mamamalagi roon.

22 Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain, at silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot.

'Kawikaan 2 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.