Add parallel Print Page Options

12 Ang umiibig sa pangaral ay umiibig sa kaalaman,
    ngunit ang namumuhi sa saway ay isang hangal.
Ang mabuting tao ay magtatamo ng biyaya ng Panginoon,
    ngunit kanyang parurusahan ang taong may masasamang layon.
Hindi tumatatag ang isang tao sa pamamagitan ng kasamaan,
    ngunit ang ugat ng matuwid ay hindi magagalaw.
Ang mabuting babae ay korona ng kanyang asawa,
    ngunit parang kabulukan sa kanyang mga buto kung kahihiyan ang dulot niya.
Ang mga iniisip ng matuwid ay makatarungan,
    ang mga payo ng masama ay kataksilan.
Ang mga salita ng masama ay nag-aabang ng dugo,
    ngunit ang bibig ng matuwid ang nagliligtas sa tao.
Ang masasama ay ibinabagsak at pinapawi,
    ngunit ang sambahayan ng matuwid ay mananatili.
Pinupuri ang tao ayon sa kanyang katinuan,
    ngunit ang may masamang puso ay hahamakin lamang.
Mabuti pa ang taong mapagpakumbaba na gumagawa para sa kanyang sarili,
    kaysa nagkukunwaring dakila na wala namang makain.
10 Buhay ng kanyang hayop, pinapahalagahan ng matuwid,
    ngunit ang kaawaan ng masama ay malupit.
11 Siyang nagbubungkal ng kanyang lupa ay magkakaroon ng tinapay na sagana,
    ngunit siyang sumusunod sa walang kabuluhang bagay ay walang unawa.
12 Ang matatag na tore ng masama ay nawawasak,
    ngunit ang ugat ng matuwid ay nananatiling matatag.
13 Sa pagsalangsang ng mga labi nasisilo ang masamang tao,
    ngunit ang matuwid ay nakakatakas sa gulo.
14 Ang tao ay masisiyahan sa kabutihan sa pamamagitan ng bunga ng kanyang bibig;
    at ang mga gawain ng mga kamay ng tao sa kanya'y bumabalik.
15 Ang lakad ng hangal, sa sarili niyang paningin ay wasto,
    ngunit ang marunong ay nakikinig sa payo.
16 Ang pagkayamot ng hangal ay agad nahahalata,
    ngunit hindi pinapansin ng matalino ang pagkutya.
17 Ang nagsasabi ng katotohanan ay nagbibigay ng tapat na katibayan,
    ngunit ang sinungaling na saksi ay nagsasalita ng kadayaan.
18 Mga salitang padalus-dalos ay parang ulos ng espada,
    ngunit ang dila ng pantas ay kagalingan ang dala.
19 Ang labi ng katotohanan ay nagtatagal kailanman,
    ngunit ang sinungaling na dila ay panandalian lamang.
20 Ang pandaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan,
    ngunit ang nagpaplano ng kabutihan ay may kagalakan.
21 Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid,
    ngunit ang masama ay napupuno ng panganib.
22 Mga sinungaling na labi sa Panginoon ay kasuklamsuklam,
    ngunit ang gumagawa nang may katotohanan ay kanyang kinalulugdan.
23 Ang taong marunong ay nagkukubli ng kaalaman;
    ngunit ipinahahayag ng puso ng mga hangal ang kanilang kahangalan.
24 Ang kamay ng masipag ay mamamahala,
ngunit ang tamad ay malalagay sa sapilitang paggawa.
25 Nagpapabigat sa puso ng tao ang pagkabalisa,
    ngunit ang mabuting salita ay nagpapasaya sa kanya.
26 Ang matuwid sa kanyang kapwa ay patnubay,
    ngunit ang lakad ng masama sa kanila'y nakapagpapaligaw.
27 Hindi makakahuli ng hayop ang taong tamad,
    ngunit magkakamit ng mahalagang kayamanan ang masipag.
28 Nasa daan ng katuwiran ang buhay;
    ngunit ang landas ng kamalian ay tungo sa kamatayan.

Iba't ibang kawikaan. Pinagpaparis ang matuwid at ang masama.

12 Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman:
Nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal.
(A)Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon:
Nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha.
Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan:
(B)Nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos.
(C)Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa:
Nguni't siyang nakahihiya ay parang (D)kabulukan sa kaniyang mga buto.
Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap:
Nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya.
(E)Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo:
Nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid.
Ang masama ay (F)inilulugmok at nawawala:
Nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo.
Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan:
Nguni't ang masama sa puso ay hahamakin.
Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin,
Kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay.
10 (G)Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop:
Nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik.
11 (H)Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay:
Nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa.
12 Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao:
Nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga.
13 Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao:
(I)Nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan.
14 (J)Ang tao ay (K)masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig;
At ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya.
15 (L)Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata:
Nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo.
16 (M)Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala:
Nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan.
17 Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran,
Nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya.
18 (N)May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak:
Nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan.
19 Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man.
(O)Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang.
20 Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan:
Nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan.
21 (P)Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid:
Nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan.
22 (Q)Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon:
Nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran.
23 (R)Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman:
Nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan.
24 (S)Ang kamay ng masipag ay magpupuno:
Nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag.
25 (T)Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot;
Nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya.
26 Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa:
Nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw.
27 Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan;
Nguni't ang mahalagang pagaari ng tao ay sa mga masisipag.
28 Nasa daan ng katuwiran ang buhay;
At sa kaniyang landas ay walang kamatayan.

12 Sinomang umiibig ng kasawayan ay umiibig ng kaalaman: nguni't siyang nagtatanim sa kasawayan ay hangal.

Ang mabuting tao ay magtatamo ng lingap ng Panginoon: nguni't kaniyang parurusahan ang taong may masasamang katha.

Ang tao ay hindi matatag sa pamamagitan ng kasamaan: nguni't ang ugat ng matuwid ay hindi makikilos.

Ang mabait na babae ay putong sa kaniyang asawa: nguni't siyang nakahihiya ay parang kabulukan sa kaniyang mga buto.

Ang mga pagiisip ng matuwid ay ganap: nguni't ang mga payo ng masama ay magdaraya.

Ang mga salita ng masama ay mga bakay sa dugo: nguni't ililigtas sila ng bibig ng matuwid.

Ang masama ay inilulugmok at nawawala: nguni't ang sangbahayan ng matuwid ay tatayo.

Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan: nguni't ang masama sa puso ay hahamakin.

Maigi siyang pinahahalagahan ng kaunti, at may alipin, kay sa nagmamapuri, at kinukulang ng tinapay.

10 Ang matuwid ay nagpapakundangan sa buhay ng kaniyang hayop: nguni't ang mga kaawaan ng masama ay mabagsik.

11 Siyang bumubukid ng kaniyang lupain ay magkakaroon ng saganang tinapay: nguni't siyang sumusunod sa taong walang kabuluhan ay walang unawa.

12 Ninanasa ng masama ang lambat ng mga masamang tao: nguni't ang ugat ng matuwid ay nagbubunga.

13 Nasa pagsalangsang ng mga labi ang silo sa mga masamang tao: nguni't ang matuwid ay lalabas sa kabagabagan.

14 Ang tao ay masisiyahan ng buti sa pamamagitan ng bunga ng kaniyang bibig; at ang mga gawain ng mga kamay ng tao ay babayaran sa kaniya.

15 Ang lakad ng mangmang ay matuwid sa kaniyang sariling mga mata: nguni't siyang pantas ay nakikinig sa payo.

16 Ang yamot ng mangmang ay agad nakikilala: nguni't ang mabait na tao ay nagtatakip ng kahihiyan.

17 Ang nagbabadya ng katotohanan ay nagpapakilala ng katuwiran, nguni't ang sinungaling sa saksi ay nagdadaya.

18 May nagsasalitang madalas na parang saliwan ng tabak: nguni't ang dila ng pantas ay kagalingan.

19 Ang labi ng katotohanan ay matatatag kailan man. Nguni't ang sinungaling na dila ay sa sangdali lamang.

20 Pagdaraya ay nasa puso ng mga kumakatha ng kasamaan: nguni't sa mga tagapayo ng kapayapaan ay kagalakan.

21 Walang mangyayaring kapahamakan sa matuwid: nguni't ang masama ay mapupuno ng kasamaan.

22 Mga sinungaling na labi ay kasuklamsuklam sa Panginoon: nguni't ang nagsisigawang may katotohanan ay kaniyang kaluguran.

23 Ang taong mabait ay nagkukubli ng kaalaman: nguni't ang puso ng mga mangmang ay nagtatanyag ng kamangmangan.

24 Ang kamay ng masipag ay magpupuno: nguni't ang tamad ay malalagay sa pagatag.

25 Ang kabigatan sa puso ng tao ay nagpapahukot; nguni't ang mabuting salita ay nagpapasaya.

26 Ang matuwid ay patnubay sa kaniyang kapuwa: nguni't ang lakad ng masama ay nakapagpapaligaw.

27 Ang tamad ay hindi nagiihaw ng kahit kaniyang napapangasuhan; nguni't ang mahalagang pag-aari ng tao ay sa mga masisipag.

28 Nasa daan ng katuwiran ang buhay; at sa kaniyang landas ay walang kamatayan.

'Kawikaan 12 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.