Font Size
Mga Kawikaan 11:28-30
Ang Biblia, 2001
Mga Kawikaan 11:28-30
Ang Biblia, 2001
28 Siyang nagtitiwala sa kanyang mga kayamanan ay mabubuwal,[a]
ngunit ang matuwid ay mamumukadkad na parang dahong luntian.
29 Magmamana ng hangin ang gumugulo sa kanyang sariling sambahayan,
at magiging alipin naman ng marunong ang hangal.
30 Ang bunga ng matuwid ay punungkahoy ng buhay;
at ang humihikayat ng kaluluwa ay may karunungan.
Footnotes
- Mga Kawikaan 11:28 o malalanta .