Add parallel Print Page Options

15 Ang nananagot para sa iba, sa gusot ay nasasadlak,
    ngunit ang ayaw gumarantiya ay malayo sa bagabag.
16 Ang babaing mahinhin ay nag-aani ng karangalan,
    ngunit ang walang dangal, tambakan ng kahihiyan.
Lagi sa kahirapan ang taong tamad,[a]
    ngunit masagana ang buhay ng isang masipag.
17 Ang taong mabait ay nag-iimpok ng kabutihan,
    ngunit winawasak ng marahas ang sarili niyang buhay.

Read full chapter

Footnotes

  1. 16 ngunit ang walang dangal…tamad: Sa ibang manuskrito'y hindi nakasulat ang mga salitang ito.