Add parallel Print Page Options

33 Nang magkagayo'y lahat ng mga (A)Madianita, at mga Amalecita at mga anak sa silanganan ay nagpulong; at sila'y nagtuloy at humantong sa (B)libis ng Jezreel.

34 (C)Nguni't ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Gedeon; at (D)humihip siya ng isang pakakak; at ang mga Abiezerita ay nangagkapisan sa kaniya.

35 At nagsugo ng mga sugo sa buong Manases; at sila man ay nangakipisan sa kaniya: at siya'y nagsugo ng mga sugo sa Aser, at sa Zabulon, at sa Nephtali, at sila'y umahong sumalubong sa kanila.

Read full chapter