Add parallel Print Page Options

Ang anghel ng Panginoon sa Bochim.

At sumampa ang anghel ng Panginoon sa Bochim mula sa Gilgal. At kaniyang sinabi, Kayo'y pinaahon ko mula sa Egipto, at dinala ko kayo sa lupain na aking isinumpa sa inyong mga magulang; at sinabi ko, Kailan ma'y hindi (A)ko sisirain ang aking tipan sa inyo:

(B)At huwag kayong makikipagtipan sa mga taga lupaing ito; inyong iwawasak ang (C)kanilang mga dambana. Nguni't hindi ninyo dininig ang aking tinig: bakit ginawa ninyo ito?

Kaya't aking sinabi rin, Hindi ko sila palalayasin sa harap ninyo; kundi sila'y magiging parang mga (D)tinik sa inyong mga tagiliran, at ang (E)kanilang mga dios ay magiging silo sa inyo.

At nangyari, pagkasalita ng anghel ng Panginoon ng mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel, na inilakas ng bayan ang kanilang tinig at umiyak.

At kanilang tinawag ang pangalan ng dakong yaon na Bochim; at sila'y naghain doon sa Panginoon.

Ang kamatayan ni Josue.

Nang mapayaon nga ni (F)Josue ang bayan, pumaroon ang mga anak ni Israel, bawa't isa, sa kaniyang mana, upang ariin ang lupa.

At naglingkod ang bayan sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng mga matandang natirang nabuhay kay Josue, na nakakita ng mga dakilang gawa ng Panginoon, na kaniyang ginawa sa Israel.

At si Josue na anak ni Nun, na lingkod ng Panginoon, ay namatay, na may isang daan at sangpung taon ang gulang.

(G)At kanilang inilibing siya sa hangganan ng kaniyang mana, sa Timnath-heres, sa lupaing maburol ng Ephraim, sa hilagaan ng bundok Gaas.

10 At ang buong lahing yaon ay nalakip din sa kanilang mga magulang; at doo'y may ibang lahing bumangon pagkamatay nila, (H)na hindi nakilala ang Panginoon, ni ang mga gawa na kaniyang ginawa sa Israel.

Naglingkod kay Baal ang bayan.

11 At ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon, at naglingkod sa mga Baal:

12 At kanilang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, na naglabas sa kanila sa lupain ng Egipto, at sumunod sa (I)ibang mga dios, sa mga dios ng mga bayan na nasa palibot nila, at sila'y yumukod sa mga yaon: at kanilang minungkahi ang Panginoon sa galit.

13 At kanilang pinabayaan ang Panginoon, at (J)naglingkod kay Baal at kay Astaroth.

14 (K)At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel, at kaniyang (L)ibinigay sila sa kamay ng mga mangloloob na lumoob sa kanila; at kaniyang (M)ipinagbili sila sa mga kamay ng kanilang mga kaaway sa palibot, na anopa't sila'y hindi makatayong maluwat sa harap ng kanilang mga kaaway.

15 Saan man sila yumaon, ang kamay ng Panginoon ay laban sa kanila sa ikasasama nila, gaya ng sinalita ng Panginoon, at (N)gaya ng isinumpa sa kanila ng Panginoon: sila'y nagipit na mainam.

16 At nagbangon ang (O)Panginoon ng mga hukom, na nagligtas sa kanila sa kamay niyaong mga lumoloob sa kanila.

17 At gayon ma'y hindi nila dininig ang kanilang mga hukom: sapagka't sila'y (P)sumamba sa ibang mga dios, at kanilang niyukuran ang mga yaon: sila'y nagpakaligaw na madali sa daan na nilakaran ng kanilang mga magulang, na sumunod ng mga utos ng Panginoon; ngunit hindi sila gumawa ng gayon.

18 At nang ipagbangon sila ng Panginoon ng mga hukom, ang (Q)Panginoon ay suma hukom, at iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom: (R)sapagka't nagsisi ang Panginoon dahil sa kanilang (S)daing, dahil doon sa mga pumighati sa kanila at nagpakalupit sa kanila.

19 (T)Nguni't nangyari pagkamatay ng hukom, na sila'y tumalikod at lalong sumama kay sa kanilang mga magulang sa pagsunod sa ibang mga dios, upang maglingkod sa kanila, at yumukod sa kanila; sila'y hindi naglikat sa kanilang mga gawa, ni sa kanilang tampalasang lakad.

20 At ang galit ng Panginoon ay nagalab laban sa Israel; at kaniyang sinabi, Sapagka't sinalangsang ng bansang ito ang aking tipan na aking iniutos sa kanilang mga magulang, at hindi dininig ang aking tinig;

21 (U)Hindi ko na naman palalayasin pa sa harap nila ang sinoman ng mga bansang iniwan ni Josue nang siya'y mamatay;

22 Upang sa (V)pamamagitan nila'y aking (W)masubok ang Israel, kung kanilang susundin o hindi ang daan ng Panginoon upang lakaran nila, na gaya ng inilakad ng kanilang mga magulang.

23 Kaya't iniwan ng Panginoon ang mga bansang yaon, na hindi niya pinalayas silang biglaan; ni ibinigay sila sa kamay ni Josue.

Ang Anghel ng Panginoon sa Boquim

Umakyat ang anghel ng Panginoon sa Boquim mula sa Gilgal. Kanyang sinabi, “Kayo'y pinaahon ko mula sa Ehipto, at dinala ko kayo sa lupain na aking ipinangakong ibibigay sa inyong mga ninuno. Sinabi kong, ‘Kailanma'y hindi ko sisirain ang aking tipan sa inyo,

at(A) huwag kayong makikipagtipan sa mga naninirahan sa lupaing ito; inyong wawasakin ang kanilang mga dambana.’ Ngunit hindi ninyo dininig ang aking utos. Ano itong ginawa ninyo?

Kaya't sinasabi ko ngayon, Hindi ko sila palalayasin sa harap ninyo; kundi sila'y magiging mga kalaban[a] ninyo, at ang kanilang mga diyos ay magiging bitag sa inyo.”

Nang sabihin ng anghel ng Panginoon ang mga salitang ito sa lahat ng mga anak ni Israel, inilakas ng bayan ang kanilang tinig at umiyak.

At kanilang tinawag ang pangalan ng dakong iyon na Boquim; at sila'y nag-alay doon sa Panginoon.

Ang Pagkamatay ni Josue

Nang mapaalis na ni Josue ang taong-bayan, pumaroon ang bawat isa sa mga anak ni Israel sa kanyang mana upang angkinin ang lupa.

Naglingkod ang bayan sa Panginoon sa lahat ng mga araw ni Josue, at sa lahat ng mga araw ng matatandang huling namatay kay Josue na nakakita ng mga dakilang bagay na ginawa ng Panginoon para sa Israel.

Si Josue na anak ni Nun, na lingkod ng Panginoon, ay namatay sa gulang na isandaan at sampung taon.

Kanilang(B) inilibing siya sa hangganan ng kanyang mana, sa Timnat-heres, sa maburol na lupain ng Efraim na nasa hilaga ng bundok Gaas.

10 Ang buong lahing iyon ay nalakip din sa kanilang mga magulang. Doon ay may ibang salinlahing bumangon pagkamatay nila na hindi kilala ang Panginoon, ni ang mga bagay na kanyang ginawa para sa Israel.

Naglingkod kay Baal ang Bayan

11 Ginawa ng mga anak ni Israel ang masama sa paningin ng Panginoon at naglingkod sa mga Baal.

12 Kanilang tinalikuran ang Panginoon, ang Diyos ng kanilang mga ninuno na naglabas sa kanila sa lupain ng Ehipto. Sumunod sila sa ibang mga diyos, sa mga diyos ng mga bayan na nasa palibot nila, at sila'y yumukod sa mga iyon; at kanilang ginalit ang Panginoon.

13 Kanilang tinalikuran ang Panginoon, at naglingkod sa mga Baal at Astarte.

14 Kaya't ang galit ng Panginoon ay nag-alab laban sa Israel, at kanyang ibinigay sila sa mga manloloob. Kanyang ipinagbili sila sa mga kamay ng kanilang mga kaaway sa palibot, anupa't sila'y hindi na makatagal sa kanilang mga kaaway.

15 Saan man sila humayo, ang kamay ng Panginoon ay laban sa kanila sa ikasasama nila, gaya nang ibinabala at isinumpa sa kanila ng Panginoon, sila'y nagipit na mabuti.

16 Kaya't ang Panginoon ay naglagay ng mga hukom na nagligtas sa kanila sa kapangyarihan ng mga nanloob sa kanila.

17 Gayunma'y hindi nila pinakinggan ang kanilang mga hukom, kundi sila'y sumamba sa ibang mga diyos, at kanilang niyukuran ang mga iyon. Hindi nagtagal, sila'y lumihis sa daan na nilakaran ng kanilang mga ninuno na sumunod sa mga utos ng Panginoon; hindi sila sumunod sa kanilang halimbawa.

18 Tuwing maglalagay ng hukom ang Panginoon para sa kanila, ang Panginoon ay kasama ng hukom, at kanyang iniligtas sila sa kamay ng kanilang mga kaaway sa lahat ng mga araw ng hukom, sapagkat naawa ang Panginoon dahil sa kanilang daing, dahil sa mga nagpahirap at nang-api sa kanila.

19 Ngunit pagkamatay ng hukom, sila'y tumalikod at kumilos na mas masama pa kaysa kanilang mga ninuno. Sila'y sumunod sa ibang mga diyos pinaglingkuran at niyuyukuran ang mga ito. Hindi nila inihinto ang alinman sa kanilang mga gawa, ni ang kanilang mga pagmamatigas.

20 Kaya't ang galit ng Panginoon ay nag-alab laban sa Israel; at kanyang sinabi, “Sapagkat sinuway ng bayang ito ang aking tipan na aking iniutos sa kanilang mga ninuno, at hindi dininig ang aking tinig.

21 Kaya't hindi ko na palalayasin sa harap nila ang alinman sa mga bansang iniwan ni Josue nang siya'y mamatay;

22 upang sa pamamagitan nila'y aking masubok ang Israel, kung kanilang susundin o hindi ang daan ng Panginoon upang lakaran nila, na gaya ng ginawa ng kanilang mga ninuno.”

23 Kaya't iniwan ng Panginoon ang mga bansang iyon, sila'y hindi niya agad pinalayas, ni ibinigay sila sa kamay ni Josue.

Footnotes

  1. Mga Hukom 2:3 Sa Hebreo ay mga tagiliran .
'Mga Hukom 2 ' not found for the version: Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version.

Ang Anghel ng Panginoon sa Bokim

Pumunta ang anghel ng Panginoon sa Bokim mula sa Gilgal. At sinabi niya sa mga Israelita, ito ang ipinapasabi ng Panginoon: “Inilabas ko kayo sa Egipto at dinala dito sa lupain na ipinangako ko sa inyong mga ninuno. Sinabi ko noon na hindi ko sisirain ang kasunduan ko sa inyo. Sinabi ko rin na huwag kayong gagawa ng kasunduan sa mga tao sa lupaing ito kundi gibain nʼyo ang mga altar nila. Pero ano ang ginawa ninyo? Hindi nʼyo ako sinunod! Kaya ngayon, hindi ko sila itataboy sa lupain ninyo. Magiging parang tinik sila sa daraanan ninyo at ang mga dios nila ay magiging parang bitag sa inyo.”

Nang marinig ito ng mga Israelita, humagulgol sila. Kaya tinawag nilang Bokim[a] ang lugar na iyon. At doon sila naghandog sa Panginoon.

Nang pinauwi na ni Josue ang mga Israelita, umalis sila upang angkinin ang lupain na nakalaan para sa kanila. At naglingkod sila sa Panginoon habang nabubuhay si Josue. At kahit namatay na siya, patuloy pa rin silang naglingkod sa Panginoon habang nabubuhay ang mga tagapamahala ng Israel na nakakita ng lahat ng kahanga-hangang ginawa ng Panginoon para sa Israel. Ang lingkod ng Panginoon na si Josue na anak ni Nun ay namatay sa edad na 110. Inilibing siya sa kanyang lupain doon sa Timnat Heres, sa kabundukan ng Efraim, sa hilaga ng Bundok ng Gaas.

Huminto ang mga Israelita sa Paglilingkod sa Panginoon

10 Nang mamatay ang mga tao sa henerasyong iyon, ang sumunod na salinlahi ay hindi nakikilala ang Panginoon, maging ang mga ginawa niya para sa Israel. 11 Gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon at naglingkod sa mga imahen ni Baal. 12 Itinakwil nila ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga ninuno, na siyang naglabas sa kanila sa Egipto. Sinunod nila at sinamba ang ibaʼt ibang dios ng mga tao sa paligid nila. Nagalit ang Panginoon, 13 dahil itinakwil siya ng mga ito at naglingkod kay Baal at kay Ashtoret. 14 Dahil sa galit ng Panginoon sa Israel, pinabayaan niyang lusubin sila ng mga tulisan para samsamin ang kanilang mga ari-arian. Pinabayaan din sila ng Panginoon na matalo ng mga kaaway nila sa paligid at hindi na nila makayanang ipagtanggol ang kanilang sarili. 15 Kapag nakikipaglaban sila, pinapatalo sila ng Panginoon, tulad ng sinabi niya. Kaya labis silang nahirapan.

16 Ngayon, binigyan ng Panginoon ang Israel ng mga pinuno[b] na magliligtas sa kanila mula sa mga tulisan. 17 Pero hindi nila pinansin ang kanilang mga pinuno. Sa halip, tumalikod sila sa Panginoon at sumamba sa ibang mga dios. Hindi sila katulad ng kanilang mga ninuno. Napakadali nilang tumalikod sa mga utos ng Dios na sinunod noon ng mga ninuno nila. 18 Ang lahat na pinunong ibinigay ng Panginoon sa kanila ay tinulungan niya. At habang buhay ang pinuno nila, inililigtas sila ng Panginoon sa kanilang mga kaaway. Sapagkat naaawa siya sa kanila dahil sa mga pagtitiis nila sa mga nanggigipit at nagpapahirap sa kanila. 19 Pero kapag namatay na ang pinuno, bumabalik na naman sila sa masasama nilang gawa. Muli silang naglilingkod at sumasamba sa ibang mga dios mas masahol pa sa pagkakasala ng kanilang mga ninuno. Ayaw nilang talikuran ang masasamang gawain nila at ang katigasan ng kanilang mga ulo.

20 Kaya lalo pang nagalit ang Panginoon sa kanila. Sinabi ng Panginoon, “Dahil nilabag ng bansang ito ang kasunduan ko sa kanilang mga ninuno, at hindi nila ako sinunod, 21 hindi ko itataboy ang natirang mga bansa na hindi nasakop ni bago siya namatay. 22 Gagamitin ko ang mga bansang ito para subukin ang mga Israelita kung talagang tutuparin nila ang aking mga utos katulad ng kanilang mga ninuno.” 23 Ito ang dahilan kung bakit hindi agad itinaboy ng Panginoon ang natirang mga bansa at hindi niya pinahintulutang matalo ito ni Josue.

Footnotes

  1. 2:5 Bokim: Ang ibig sabihin, mga umiiyak.
  2. 2:16 pinuno: Sa ibang mga salin, hukom. Pero hindi sila mga hukom (judges) lang, kundi sila ay mga pinakapinuno sa buong Israel dahil wala pang mga hari noon.