Font Size
Mga Hukom 1:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Mga Hukom 1:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Nabihag ng Lipi nina Juda at Simeon ang Hari ng Bezek
1 Pagkamatay ni Josue, nagtanong kay Yahweh ang mga Israelita, “Sino sa amin ang unang sasalakay sa mga Cananeo?”
2 “Ang lipi ni Juda ang mauuna. Ipapasakop ko sa kanila ang lupain,” sagot ni Yahweh.
3 Sinabi ng mga kabilang sa lipi ni Juda sa mga kabilang sa lipi ni Simeon, “Tulungan ninyo kami sa pagsakop sa lugar na nakalaan para sa amin, at pagkatapos ay tutulungan naman namin kayo sa pagsakop sa lupaing para sa inyo.” Tumulong nga ang lipi ni Simeon.
Read full chapter